Isabelle ‘makikigulo’ kina John Lloyd at Sarah

A new face na i-introduce ng Star Cinema sa kanilang kasalukuyang isinu-shooting na movie na A Man and a Woman, co-starring for the third time sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, is Isabelle Daza.

Isabelle is former Miss Universe Gloria Diaz’s eldest of two daughters by her ex-husband Bong Daza.

Ayon sa talent manager ni Isabelle na si Leo Dominguez (talent manager din nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, at Solenn Heussaff), ang kontrata ng kanyang alaga sa Kapuso Network ay nagko-cover lang sa TV.

A Man and a Woman, obviously a film offering, has Cathy Garcia-Molina directing.

Zia Quizon binitawan ng talent manager dahil ayaw umakting at mag-host

Samantala, we learned from Carlo Orosa, talent manager nina Karylle, Sam Concepcion, at Christian Bautista, na ’di na niya mina-manage ang showbiz career ng nakababatang kapatid ni Karylle na si Zia Quizon.

‘‘Ang mommy na niya (at ni Karylle rin), si Zsa Zsa Padilla, ang obviously will help Zia run her showbiz career kasi ang puntirya rin lang niya ay maging singer. Isang recording star.

‘‘Ayaw niyang mag-artista. Na nakapanghihinayang dahil maraming interested na producers who would want to give her the break.

‘‘Ayaw din niyang mag-host ng TV show,’’ sabi ni Carlo.

Tulad ni Zsa Zsa, mainstay na rin ng ASAP si Zia. They are doing a number together for ASAP’s 18th anniversary at 12 noon today on ABS-CBN.

Malamang na the father and son team naman nina Gary Valenciano and his son, Gab, will also perform a dance number.

Posibleng magsisilbi na ring pamamaalam ni Gab from the show ang appearance niya this Sunday. May tempting offer daw ito to study music in a prestigious school in the US. Plus the possibility na magkaroon na rin ng trabaho roon na may kinalaman sa musika.

Sa paglisan ni Gab, posible na kayang mapabilang sa regulars ng ASAP ang talentadong anak din ni Martin Nievera (at ni Pops Fernandez) na si Robin?

Like Martin and Pops, magaling na singer din si Robin, bukod sa he has the talent to play just about any musical instrument.

Martin, if you recall, was a regular host ng ASAP nang mag-start airing ang kilalang noontime musical show every Sunday ng ABS-CBN. His co-hosts then were Pops Fernandez, Ariel Rivera, and Dayana Torres, former Miss Universe.

While Pops and Ariel are still active in showbiz, they are no longer part of ASAP. Bumalik naman sa pagiging regular host si Martin.

 

Show comments