Mommy Dionisia, isisiwalat ang pagpapakita ng Birheng Maria, sakit na leukemia bumalik?

MANILA, Philippines - Sa bawat laban ng pambansang kamao na si Man­ny Pacquiao, nariyan ang kanyang inang si Dio­nisia Pacquiao na palaging nagdarasal para sa ka­ligtasan ng kanyang anak at nagpapamalas ng ma­tinding pananampalataya sa Diyos.

Saan nga ba nagmumula ito?

Iyan ang isisiwalat ni Atom Araullo ngayong Bi­­yernes (Feb. 1) sa kanyang pagtuklas sa ispiritwal na pagkatao ni Mommy D sa Pinoy True Stories: Hi­waga. 

Hindi na kaila sa marami na deboto si Pacmom ngunit ang kanyang pananam­palataya ay naudyok ng isang pangyayari.

Ani ni Mommy D,  bata pa noon si Manny nang nagpakita sa kanya ang Birheng Maria. Siya ay na-diagnose noong panahong iyon na may leukemia ngunit matapos ang aparisyon ay naglaho na parang bula ang kanyang karamdaman.

Ilang taon ang nakalipas at nagkaroon siya uli ng sakit kung saan muling hinamon ang kanyang pananampalataya. Siya ba ay sumuko o lumabas?

 

Show comments