Maaga pa para pag-usapan, pagde-deklara nang pagpi-presidente ni Bong hindi nakakatuwa

Hindi ako natuwa sa announcement na posibleng si Sen. Bong Revilla, Jr. ang maging presidential candidate ng kanyang partido sa presidential election sa 2016.

Napakaaga pa para sa mga ganyang announcement ’no?! Hindi ko pinangarap na siraan agad si Bong ng kanyang mga kalaban sa pulitika tulad nang ginawa kay Sen. Manny Villar noong 2010.

Kaliwa’t kanan ang mga paninira noon kay Papa Manny pero walang napatunayan ang detractors niya sa mga anomalya na ibinintang sa kanya. Ganyan kalupit ang mga tao sa mundo ng pulitika

Bela hindi marespeto sa matatanda?!

Dahil sa pag-iyak kahapon ni Bela Padilla sa press interview sa kanya, nalimutan nang magta­nong ng mga reporter tungkol sa love life niya.

Si Neil Arce na ex-boyfriend ni Maxene Ma­ga­lona ang boyfriend sa kasalukuyan ni Bela.

Nang unang matsismis sila na may relas­yon, “we’re friends” ang sagot ni Bela sa mga reporter pero more than friends ang mga kilos nila ni Neil.
Hol­ding hands ang dalawa nang umapir sa celebrity screening ng Seduction at sweet sila sa mga event na pinupuntahan nila.

Ang pamilya ni Neil ang may-ari ng Arce Ice Cream. Nag-expect ako na mamimigay kahapon si Bela ng free ice cream pero nabigo ako. Hindi naman ako umuwing luhaan dahil hindi na ako mahilig sa ice cream bilang diabetic ako.

Hindi naman ako naapektuhan sa pag-iyak ni Bela dahil siya ang makikinabang sa mga payo na ibinigay sa kanya ng mga reporter.

Iba na kasi ang mga bagong artista ngayon. Dedma na sila sa mga nakatatanda sa kanila, artista man o hindi, as in parang malaking pabor nila sa mga tao kapag bumati sila.

Nakakalimutan ng mga baguhang artista na mas mahalaga sa showbiz ang pakikisama. Kahit talented sila, hindi nila mapapakinabangan ang kanilang mga talento kung hindi sila marunong gumalang at makisama. Sa kahit anong industriya at ordinaryong pamumuhay, walang puwang ang mga ingrato at walang utang na loob ’no?!

Hindi lamang si Bela ang ipina-presscon kahapon ng GMA Ar­tist Center dahil humarap din sa press sina Pancho Magno at Dion Ignacio, ang leading men ni Bela sa Magdalena.

Hindi pa alam nina Pancho at Dion ang next project nila sa GMA 7 pero nag-enjoy daw sila sa taping ng Magdalena, ang nagtapos na afternoon drama series ng GMA 7.

Si Pancho ang anak ng GMA 7 executive na si Redgie Magno. Ikina-shock ni Redgie ang pagpapakita ng puwet ng kanyang anak sa isang fashion show noong nakaraang taon. Sinabihan niya si Pancho na huwag nang uulitin ang ginawa. Bench Body model si Pancho kaya nagkalat sa Internet ang mga sexy picture niya mula sa Bench summer pictorial.

Papayag si Bela na maging kontrabida uli kung si Lorna Tolentino ang makakatrabaho niya.

Bilib na bilib pala si Bela kay LT. Isa raw si Lorna sa mga artista na iniidolo niya kaya hoping si Bela na makasama sa isang project ang aking alaga.

Hindi ako sure kung alam ni Bela na isang tunay na Padilla si LT. Padilla ang family screen name ni Bela pero hindi siya totoong Padilla dahil si Mommy Eva Cariño ang kanyang tunay na kamag-anak, hindi ang ama nina Robin, Rommel, at BB Gandanghari.

 

Show comments