Jasmine Curtis-Smith just turned 18 at naka-graduate na siya ng high school sa kanila sa Australia kaya naman nag-decide na siyang mag-stay na sa Pilipinas. Unang plano niya ay ang kumuha na ng entrance examination either sa Ateneo de Manila University or sa La Salle University at dito na kumuha ng college degree.
Happy siya dahil kahit wala siya sa Pilipinas ay kinuha siyang new celebrity endorser ng Flawless.
Nakarating nga sa kanya sa Australia na maraming humanga sa kanyang mga billboard sa major streets at sa mga bus na inilagay ng Flawless. Ngayon, personal na siyang makakapag-endorse ng paborito niyang facial at body scrub treatments.
Si Jasmine pala, mas gusto niya ang lighter and more natural makeup at ayaw niyang mag-makeup kung hindi naman kailangan.
Thankful din si Jasmine sa pagiging very supportive ng sister niyang si Anne who is the celebrity endorser naman ng Belo Medical Clinic, sister company ng Flawless.
Exclusive contract star si Jasmine ng TV5 at mas mabibigyan na niya ng time na gumawa ng bagong shows, after ng first action serye niya last year na Ang Utol Kong Hoodlum with JC de Vera. Pero bago siya tuluyang mag-stay sa Pilipinas, sasamahan muna niya ang mommy nila na mag-a-undergo ng knee operation sa February at hopefully by March ay narito na siya sa bansa.
Kylie umayaw uli sa GMA TV series
Nakausap namin sa launch ni Jasmine Curtis-Smith ang manager niya na si Betchay Vidanes at tinanong kung bakit tumanggi na naman ang talent niyang si Kylie Padilla na gawin ang Familia de Honor ng GMA 7.
Tuloy pa rin ang project at iyon pa rin ang cast, magkakaroon lamang ng revision sa script. Tinanggihan nila dahil sa tema na namang political at corruption. Iibahin na rin ang title ng soap. Hindi pa lamang sinabi ni Betchay kung si Aljur Abrenica ang magiging leading man ni Kylie.
Katrina at Kris Lawrence nakakakilig off-cam
Mamayang gabi, mapapanood na ang Ligaw na Diyosa (The Katrina Halili Story) sa Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco. Si Katrina mismo ang gaganap sa kanyang character at ang boyfriend din na si Kris Lawrence as himself.
Makakasama nila sina Allan PauÂle, Timmy Cruz, Maritoni Fernandez, Rocky Salumbides, at Anita Linda.
Si Gina Alajar ang direktor at kuwento niya, kinikilig siya sa dalawa off-camera at kitang-kita kung gaano kamahal ni Kris si Katrina. Ipakikita rin nila ang anak ng dalawa, si Baby Katrence or Katie.
Sen. Bong at Jennylyn paparada sa Iloilo
Muling magpapasalamat si Sen. Bong Revilla, Jr. at sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos sa pagtangkilik naman ng mga taga-Iloilo sa epic serye nilang Indio, sa pamamagitan ng Dinagyang Festival.
Sasali sila sa parade at 1:00 p.m. na magtatapos sa isang mall show sa SM City Iloilo Parking Area at 4:00 p.m. to meet their fans.