Kahit hindi kandidato sa darating na May elections si Kim Atienza, punung-puno ng mga kilalang politician at VIP ang kanyang birthday party sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel last Thursday evening.
Isinabay kasi sa okasyon ang launching ng bagong libro ng kanyang ama, si daÂting Manila Mayor Lito Atienza, ang Light From My Father’s Shadow. Ang hardbound book ay isang selebrasyon ng legacy of public service.
Nakita namin sa venue sina Vice President Jejomar Binay, dating PaÂnguÂlong Joseph ‘‘Erap’’ EsÂÂtrada, Atty. RoÂmuÂlo Macalintal, mga sikat na peryodista, at marami pang tao na tiniÂtingala sa ating lipunan.
That night, inalala ni Kim Atienza kung paano siya nagsimula bilang weatherman sa TV Patrol, kapalit ng yumaong veteran broadcaster na si Ernie Baron. Mula sa una niyang trabaho sa network ay naging multi-awarded TV personality si Kim.
Nagkaroon siya ng sariling educational/adventure TV show, Matanglawin, na nabigyan na ng parangal ng halos lahat ng award-giving bodies. Naging mainstay din siya sa noontime variety show na It’s Showtime. Kahit maraming nag-aalok o humikayat kay Kim na pumasok sa pulitika, ngayong sikat na sikat na siya, obvious na higit na mahal niya ang trabaho bilang broadcaster.
Si dating DENR Secretary Jose ‘‘Lito’’ Atienza ay tumanggap ng mga papuri para sa kanyang librong Light From Father’s Shadow. Bukod sa tribute ito para sa kanyang amang si Jose, Sr. o Don Pepe, inilahad ng malinaw ang kanyang political career sa aklat pati ang kanyang paglilingkod ng three terms sa lungsod ng Maynila at iba pang posisyon, bilang public serÂvant.
Maraming bahaging very revealing, yet really inspiring sa libro. Madali pa itong basahin, hindi ko na kailangang magsalamin dahil printed ang lahat ng teksto ng aklat in big letters!
Tiyak na ang kita mula sa libro ay mapupunta sa kanyang mga pro-life advocacy, scholarship program, at Mahal Ko si Lolo, Mahal Ko si Lola Foundation para sa mga senior citizen.
Aktres sinisiraan ang kaibigang napakinabangan ng husto
Isang former actress ang narinig mismo namin habang sobrang sinisiraan ang isang kapwa artista. Siguradong kapag nakaraÂting sa kinauukulan ang lahat ng kanyang maÂpanirang-puring kuwento, malaking away ang magaganap!
Ang nakakagulat pa sa backbiter, very close sila sa taong mukhang kinamumuhian niya ng labis ngayon. Napakinabangan naman niya ng husto ang dating kaibigan. Kaya nakakatakot talaga ang kanyang pagiging La Traidora!
PMPC mahigpit na magre-review ng finalists sa Star Awards for Movies
Abala na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mga pagre-review ng mga pelikulang pagpipilian ng mga nomination o finalist para sa 2013 Star Awards for MoÂvies. Lahat ng mga nabigyan ng citation ng club noong 2012 ang papanooring muli.
Napakahigpit ng mga rule kahit sa attendance at higit sa lahat sa pananood ng mga qualified film. Dapat full concentration at bawal ang mag-ingay, magkuwentuhan o kahit magbigay ng mga side comment habang ipinapalabas ang isang entry.
Si Rommel Placente nga, na modelo ng katahimikan, ititigil ang DVD player, bubuksan ang mga ilaw upang bigyan ng pagkakataon na magÂtsikahan ang mga istorbo!
Maaaring mid-February, ipapahayag na ng PMPC ang mga finalist sa Star Awards for Movies na ang awards night ay sa March 10 na!
Pepe Pimentel nakapagbigay ng break sa maraming singer at comedian
Isa si Tito Pepe Pimentel sa mga senior showbiz personality noon na nagbibigay ng break o trabaho sa mga talented artist, na hindi halos mapansin sa ibang show. Naging kilala sina Arnell Ignacio, Lito Pimentel, at Richard Reynoso sa Kwarta o Kahon ni Tito Peps.
Ang yumaong entertainer ay unang national grand champion ng original talent show na Tawag ng Tanghalan. From the same show ay natuklasan sina Nora Aunor, Edgar Mortiz, Jonathan PoÂÂtenciano, Diomedes Maturan, Rufina Esperancilla, Ofela Dayrit, Rizal Boy Ortega, at Ric Manrique, Jr.
Condolences sa mga kamag-anak at maraming nagmamahal kay Tito Peps.
Siya ang original King of Game Shows na meron talagang golden voice.