‘Di pa kasama ang pagpapa-cute at autograph-signing, Daniel six figures ang singil sa dalawang kanta!
Highest paid live performer ngayon si Daniel Padilla. Isang promoter ng show na nagÂereklamo ang nagsabing sa dalawang kanta lang, six figures ang talent fee ng young star.
Kapag sinabi na two songs only, walang kahalong ad lib o mga pa-cute sa stage ang kasali. ’Di tulad ng ibang male stars, may mga comeÂdy routine pa sa ibang artistang kasama kaya tuÂmatagal ng halos kalahating oras sa stage.
Si Daniel, totoong two songs only. Hindi saÂÂsayaw o magpapatawa. After ng dalawang kanta, goodbye agad. Hindi man lang pipirma sa autograph!
Ate Gay tinanggihan si Willie Revillame
Willie Revillame’s contract with TV5 is about to expire this October. With all the support and top priority given to him and his new daily noontime show Wowowillie, he will surely sign an extension of the exclusive pact with the Kapatid Network for three to five more years!
Puwera na lang siguro kung nag-decide ang multi-billionaire na magtayo ng sarili niyang TV station, tulad ni Oprah Winfrey.
Sa renovation pa lang ng Delta Theater studio ng network, gumasta na ng mahigit na P100 million. Idagdag pa rito ang sariling gastos ng WilProd na umabot din ng P25 million.
Sobrang laki ng gastos, pagpapaganda pa lang ng Delta studio. Gusto kasi nila na magmistulang isang Las Vegas theater ang venue.
“Para ang mga kababayan natin na can’t afford to travel matikman ang Vegas experience,†say ni Revillame. “Sa pagpasok pa lang ng Delta, mararamdaman na ang Vegas atmosphere.â€
Simula nang tumigil sa ere ang Willtime Bigtime, hindi pala nagbakasyon ang buong staff ni Revillame. Tuloy ang trabaho at paghahanda nila for the new show.
Sa opening number ng show this Saturday, 300 dancers ang involved. Pati mga costume, bago lahat.
Surprisingly low-key ang mga pahayag ng host ng Wowowillie noong presscon. He is not aiming to top the rating or makipagtapatan this time.
‘Walang tapatang magaganap,†sure na sure siya. “Ngayon ang aming palabas ay extension ng Eat Bulaga.â€
Wala naman siyang masyadong nasabi sa It’s Showtime. Lalo pa’t naipahayag na inalok niyang maging co-host ng bagong show si Ate Gay. Pero tumanggi ang baklesh na Nora Aunor dahil marami siyang commitments this year na mawawala siya ng ilang araw, hanggang isang linggo. Ayaw naman ni Ate Gay na regular na mag-absent kung mainstay siya sa show. Sayang, pangtapat sana siya kay Vice Ganda!
Dahil common na kay Revillame ang pagbibigay ng milyones, kotse, house and lot sa mga nakaraang show niya, ibang klase naman ang mga dagdag niyang priÂzes this time.
Kabilang na ang mga scholarship at big pangÂkabuhayan package sa mga mapapanalunan sa baÂgong show. Nadagdag sa mga co-host sina Ethel Booba, lovely Arci Muñoz, at Ritz Azul. Hindi naÂkaraÂting sa presscon si Ritz dahil sakay pa ng airplane noon habang media launch ng Wowowillie.
Poging aktor inatrasan ng mga bading, natuklasang nagsasalitang mag-isa sa kama
Dati mga mayayamang bading ang nag-uunahang makapiling ang tall, handsome actor. Feeling ng mga gay matron, sinabitan sila ng gold medal kapag nagetsing ang dating most desirable man in town.
Ngayon, kahit mga parlorista at mga kafatid na lavanÂder lace (labandera), takot siyang halahin. Isa kasing nangÂhihimay ng buhok at nagkakayas ng kuko ay afraid nang biglang magsalitang mag-isa sa kama ang kanyang partner.
Noon, sky-high ang kanyang tag price. Today, kahit isang kahang sigarilyo at pamasahe lang payag na!
MTRCB aprubado na ang Seduction sa Rated R
Sigurado na ang opening ng Seduction ng Regal Entertainment, Inc. sa Jan 30. Approved na ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) ang bagong obra ni Pegue Gallaga.
Rated R (restricted for 18 years old and above) ang pelikula nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Solenn Heussaff, at Jay Manalo. Ewan kung maghihigpit sa takilya para tunay na mature audience lang ang makakapanood ng erotic drama.
- Latest