^

Pang Movies

Teen actor buhay mayaman sa Amerika bilang kabit ng kanong madatung

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya pala biglang naglaho ang isang teen actor turned sexy actor dahil ginawa na palang kept man ng isang foreigner na nakilala niya rito sa Pilipinas. Nag-aartista rin ang naturang foreigner at nakatrabaho siya ni sexy actor nang may ga­wing isang indie film dito pero tila hindi na yata ito naipalabas dahil kinapos sa budget ang producer.

Maraming mga sexy na eksena ang dalawa at tila nagkadebelopan dahil dun. Ang kuwento kasi ng indie film ay naligaw sa isang malayong probinsiya ang isang ‘Kano na isang turista at tumuloy siya sa bahay ng isang magsasaka na may binatilyong anak.

Bago pa man ma-pack up ng tuluyan ang indie movie na ginagawa nila, may lihim na silang relasyon.

“Doon na si sexy actor tumutuloy sa inuupahang condo ng afam sa Makati,” kuwento ng aming source. “As in, nag-live-in na sila agad-agad. Paano nag-enjoy ang afam sa romansa ni sexy actor. Hayun, hindi na siya pinakawalan. Kaya si sexy actor, sinama na sa Amerika.”

Ipinakilala na siya sa pamilya’t mga kaibigan ng ‘Kano roon. Ngayon ay balitang si sexy actor na ang nagma-manage ng negosyo ng afam.
Ang Amerikanong dyowa na rin ang nagbigay ng negosyo sa pamilya ni sexy actor. Bread winner kasi ito ng pamilya niya. Kaya buhay na buhay na sila sa business na bigay ng afam.

Sanay naman na raw kasi si sexy actor na magpa­gamit sa mga bading. Noong teen star pa lang ito ay naging boytoy siya ng isang male TV host na itinatago ang kabaklaan.

Bukod sa male TV host, naging boytoy din siya ng isang pang gay TV host.

“Kesa nga naman dito na nagagasgas ang pagkalalaki niya sa kaka-booking, doon ay maayos ang buhay niya. May trabaho na siya, may lover pa siya na patay na patay sa kanya,” sabi ng source namin.

Dahil sa Cannes Filmfest Ate Vi pinatos ang P3.5 M na pelikula

Deglamorized si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa kanyang ginagawa ngayon na indie film para sa Cinemalaya Independent Film Festival na Extra.
Si Jeffrey Jeturian ang director ng Extra at first time silang magkakatrabaho ng Star For All Seasons bilang artista at direktor.

“Production assistant noon si Direk Jeffrey ng mga pelikula kong Alyas Baby Tsina and Saan Nagtatago ang Pag-ibig. Natuwa ako at isa na siyang award-winning director.

“Napanood ko ang mga movie niyang Sana Pag-ibig Na, Tuhog, and Pila Balde. Magaganda ang nagawa niya kaya gusto ko siyang makatrabaho bilang direktor,” pahayag ni Gov. Vi sa direktor niya ngayon.

Kasalukuyang katrabaho rin ng kanyang anak na si Luis Manzano si Direk Jeffrey sa top-rating morning series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Pagkatapos ng The Healing na isa sa mga box-office hit last year ay mas pinili na ni Gov. Vi ang gumawa ng indie sa taong ito.

“Sa tinagal-tagal ko nga sa showbiz ngayon lang ako gagawa ng pelikula na ang budget ay three million and five hundred thousand pesos lang. Maliit ang production talaga pero willing ako na gawin ito for the experience.”

Isa sa mga ikinagusto ni Gov. Vi sa indie film na kanyang tinanguan ay ang pagkakataon na maipasok ito sa Cannes International Film Festival. Dream kasi ng producer ng Extra na si Atty. Jojie Alonzo ang mapalakad nila sa red carpet ng Cannes filmfest si Gov. Vi.

ACTOR

ALYAS BABY TSINA AND SAAN NAGTATAGO

ANG AMERIKANONG

BATANGAS GOV

DIREK JEFFREY

ISANG

KAYA

SEXY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with