Panay ang bungisngisan at bulungan nina Piolo Pascual and Angelica Panganiban kahapon sa grand presscon ng Apoy sa Dagat, ang bago nilang serye sa ABS-CBN kasama si Diether Ocampo.
Para nga silang magdyowa dahil may times pa na nakapatong ang kamay ni Angelica sa lap ni Piolo.
Aminado naman ang dalawa na talagang sobrang kumportable na nila sa isa’t isa at say nga ni Piolo, nasasabi niya kay Angelica na nauutot siya.
“Sabi ko nga sa kanya, mahiya ka naman Papa P (Piolo), ‘yung dyowa ko nga, hindi ko pa naaamoy ang utot. Tapos sabi niya, “ah ganu’n ba?†Parang nahiya naman siya, inipit muna niya ‘yung utot niya,†kuwento ni Angelica.
Say ni Piolo, what he likes most in Angelica ay wala raw itong kahang-ups-hang-ups sa buhay at walang pretensiyon.
“And ako, I like her humor. When we were doing Every Breath You Take (their movie last year), she brought out the funny side of me. Na medyo mahiyain ako minsan pag maraming tao pero pag si Angelica ang nakasama ko, nagiging walanghiya ako,†say ni Papa P na natatawa.
Sa trailer pa lang ay maeengganyo ka nang subaybayan ang Apoy sa Dagat. First time ni AngeÂlica in a dual role at puring-puri siya ng kanyang mga co-stars, and of course, pati rin si Piolo at isa pang leading man na si Diether Ocampo.
Isa pang pinuri-puri nang husto sa serye ay si Empress Schuck na bagama’t maikli lang ang role bilang young Angel Aquino ay sobrang markado naman.
Sa presscon ay nagpasalamat pa si Angel kay Empress for doing a gret job as young Adrianna (ang karakter nila) at sana raw ay mapantayan niya ang husay ng batang aktres.
Magsisimula na sa Feb.4 ang Apoy sa Dagat at bukod kina Piolo, Angelica, Diet, Empress, Angel, kasama rin dito sina Liza Lorena, Perla Bautista, Freddie Webb, Patrick Garcia mula sa direksyon ni FM Reyes and Nick Olanca.
Mag-inang Jacklyn Jose at Andi malimit mag-away sa bahay
Sa finale presscon naman ng Kahit Puso’y Masugatan kahapon ay natanong ang direktor na si Wenn Deramas kung kumusta sa set ang mag-inang si Jacklyn Jose at Andi Eigenmann since as we all know ay nagkaroon nga ng gap ang dalawa.
Ayon sa direktor ay pareho naman daw professional ang mag-ina at never na naapektuhan ang mga trabaho nito. Bukod dito, kahit magkasama sila sa serye ay bihira lang naman ang eksena nila together at magkaiba ang unit nila.
Pero ani Jacklyn, anuman ang mangyari sa kanila, anak niya pa rin si Andi at mananatiling mahal niya ito habang-buhay.
“Anak ko si Andi, magmula nang ipanganak siya, ako na ang nag-alaga sa kanya. So, kahit hindi pa siya artista, kahit nasa bahay kami, mag-ina ang turingan namin, may away diyan, may lambingan, may pagmamahalan. Ang sangkap ng isang mag-ina. Ganu’n lang ‘yun.
“I’m sure, si Andi naman, hindi naman maÂgagalit sa akin nang tagos. Wala. Anak ko ‘yan, eh. Di ba, anak?†say ni Jane na tinatanong ang anak.
“Yes ma,†sagot naman ni Andi.
“Wala, ano lang ‘yun, we’re living in one house, I love her so much, so dearly. Hindi ako pweÂdeng magalit sa kanya. Anak ko siya, mahal ko siya. Kahit kailan,†say ni Jacklyn na medyo nagsisimula nang manginig ang boses.
Last two weeks na lang ang Kahit Puso’y Masugatan na bukod kay Andi ay pinagbibidahan din nina Gabby Concepcion, Jake Cuenca, and Iza Calzado. Nagpapasalamat ang buong staff and cast sa pagsubaybay sa serye sa loob ng pitong buwang pagsasaere nito.