Disappointed daw ang isang magazine publication sa paglagay nila sa cover ng isang sexy actress. Malaki kasi ang expectations nila na tatabo nang husto sa bentahan ang magazine cover nila dahil first time na ginawa iyon ng sexy actress at pinag-isipan pa nila ang concept sa cover.
Pero noong mailabas na ang mag, halos walang nagkainteres kahit na super sexy pa ang posing ng modelo nila sa cover at maging sa loob ng magazine. Kaya nagtataka sila kung bakit gano’n ang nangyari dahil inakala nila na malakas ang hatak ng sexy actress.
Nagkamali pala sila dahil nataon pa raw kasi na may matinding issue ang sexy actress na may kinalaman sa love life nito kaya marami ang na-turn off sa kanya.
Tuloy nadamay ang sales ng naturang magasin na inabot pa naman ng milyones ang photo shoot dahil sa nakakalokang concept.
Ipinakita nga ng source namin ang nabentang coÂpies ng naturang magazine na cover si sexy actress at isa sa ito sa all-time lowest-selling issue nila.
Nagtaka pa sila mas bumenta pa ang cover ng isang sexy starlet na wala pang malaking name at simple lang ang concept pero marami ang nabenta at almost mag-reprint pa sila.
Dahil disaster ang cover ay hindi na mauulit pa sa kanila ang sexy actress. Ang maraming sobrang kopya ay ipinamigay na lang nila para lang mabawasan ang tambak na issues sa kanilang opisina.
Edu araw-araw
nang magbibigay ng komento
Magsisimula na ngayong Lunes (Jan. 21) si Edu Manzano bilang mainstay sa morning show ng TV5 na Good Morning Club (GMC) na ang ibang hosts ay sina Christine Bersola-Babao, Chiqui Roa-Puno, at Amy Perez. Kabilang ito sa bagong bihis na Kapatid Network kaugnay ng kanilang Go5! launch last Jan. 15.
May segment si Doods sa GMC na Kumare Con Pare. Magkakaroon ng male point of view ang usapan ng Tres Kumares tungkol sa pakikipagrelasyon, buhay may-asawa, pagiging parent, at kung anu-ano pa na may kinalaman sa pamilyang Pinoy.
Pag-uusapan din nila ang mga lumalaking bilang ng househusbands at hihingian si Doods ng kanyang komento. Bukod doon, magkakaroon din siya ng solo segment, Edukado, na may kinalaman naman sa social issues ngayon.
“Morning shows are very important because that’s how you start your day. Mula sa mga nanay na naghahanda ng pagkain at binibihisan ang anak nila hanggang sa mga taong papasok sa opisina na gustong malaman ang lagay ng trapik — lahat ng mga bagay na ‘to are very important to our lives.
“GMC would like to be able to put together all the information you need to know because there’s nothing more powerful than information,†sabi ng TV host-actor na mapapanood ng weekdays, 5-7 a.m., sa TV5.