Mula sa isang reliable source, mapapalitan na raw ang isang big-budget show dahil marami na itong problema. Bukod sa hindi makaabante sa ratings, marami na rin sa staff ang umaalis dahil sa hindi na nila kasundo ang ilang mga naghahari-harian sa show.
Ayaw man daw palitan ng TV station ang show ay kailangan na dahil marami ang dapat na maayos dito.
Unang-una ay nirereklamo na ng maraming subsÂcribers sa abroad ang hindi na nakaaaliw na mga pinaÂpalabas sa show. Marami na ring natatanggap ang TV station na mga request na palitan na ito at magsimula ulit para fresh ang dating at hindi na luma.
Isa pang matinding reklamo ay ang hitsura ng show sa TV. Para raw mga lumang ilaw ang gamit kaya mukhang hindi mamahalin ang mga suot ng mga artista at maging ang nasa paligid nila.
Pinag-iisipan pa naman kung ano ang puwede nilang ipalit kaya tuloy pa rin ang show. Pero pinagsabihan na nila ang ilan na maghanda na lang dahil any time ay puwede na nilang tsugiin ang show at palitan ito pansamantala ng “filler†show habang kinokonÂsepto pa ang ipapalit dito.
Tiyak na marami ang malulungkot dahil sa pagkawala ng show na ito. Wala naman silang dapat sisihin kundi ang mga naghahari-harian sa show na walang ginawa kundi ang magpayabangan at ipilit ang mga gusto nila na hindi naman ma-appreciate ng masa.
Mr. Pogi tambak ang TV projects
Masuwerte ang model turned actor na si Alizon Andres dahil walang problema na gumawa siya ng dalawang shows sa magkaibang TV networks.
Isa sa mga main host si Andres ng Jeepney Jackpot ng TV5 na mapapanood Monday to Friday at 5:00 p.m. Kasama niya rito sina Mr. Fu, Valeen Montenegro, at Saida Diola. At kasama rin siya sa bagong primetime series ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat na bida sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. Mga mangingisda nga sila rito ni Piolo.
Wala ngang kontrata si Andres sa kahit na anong network kaya wala siyang problema kung magpalipat-lipat siya. Dating under ng Star Magic si Andres pero una niyang exposure ay sa Mr. Pogi 2005 ng Eat Bulaga.
“Sa Mr. Pogi ako unang nakilala talaga. Third runner-up ako that year. After that, kinuha na akong maging model. Hanggang sa kunin ako ng Star Magic para sa isang batch ng Star Circle. Ginamit kong name before was Jubail Andres,†say niya.
Sa bakuran ng ABS-CBN ay ginawa niya ang mga show na Bud Brothers Series, Lovers In Paris, Magkaribal, Dahil May Isang Ikaw, Hiyas, Mutya, Growing Up, Guns & Roses, at Magkano ang Iyong Dangal?
Sa TV5 naman ay ginawa niya ang Inday Wanda at The Biggest Game Show.
Mga gawa nina Lhuillier at Cinco paborito na ng mga Hollywood celebrities
Labis na ikatutuwa ng mga Pinoy designer natin na dalawang Hollywood celebrities ang nagsuot ng couture gowns na gawa ng mga Pinoy sa nakaraang Golden Globe Awards sa Hollywood.
Isinuot ng star ng Modern Family na si Sofia Vergara ang design ng Dubai-based Pinoy designer na si Michael Cinco samantalang ang Dancing With the Stars dancer at bida ng pelikulang Rock of Ages na si Julianne Hough ay suot ang gawa ni Monique Lhuillier.
Nakilala si Cinco dahil sa paglabas niya sa America’s Next Top Model All-Star na siya ang nagdamit ng tatlong finalists. Kinuha rin siya ng Bench para sa Bench Universe Fashion Show.
Pinili siya ni Vergara dahil nagustuhan ang kanyang mga design na lalong nagpa-sexy sa kanyang voluptuous figure.
Si Lhuillier naman ay hindi na bago sa Hollywood stars dahil ilang big stars na ang nagsuot ng kanyang mga dinisenyo tulad nina Catherine Zeta-Jones, Mandy Moore, Eva Longoria, America Ferrera, Julie Bowen, Kelly Osbourne, Britney Spears, at marami pang iba.
Napili ni Julianne ang mala-vintage designer gown ni Lhuillier na isuot para sa red carpet ng Golden Globes at isa nga siya sa hinirang na best dressed celebrity of the red carpet.