^

Pang Movies

Gov. Vi sasabak na rin sa international filmfest!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagkaroon sila ng kapirasong script reading at pagkatapos ay kumuha ng ilang test shots si Direk Jeffrey Jeturian dahil gusto rin niyang sa pagsisimula ng totoo nilang shooting ay hindi na sila manga­ngapa sa isa’t isa, alam na niya kung paano niya kukunan si Governor Vilma Santos. Naroroon ang lahat ng bumubuo ng production staff, ang cast, at pati na ang producer na si Atty. Jojie Alonzo. Nakapag-desisyon na nga kasi si Gov. Vi na gawin ang pelikulang Extra. Ito ay tungkol sa mga maliliit na manggagawa sa pelikulang Pilipino. Kasali ang pelikula sa darating na Cinemalaya Independent Film Festival at siyempre iyon ay isang indie film.

Naka-one-on-one interview nga namin ang Star For All Seasons at ipinaliwanag niya sa amin kung bakit siya nakagawa ng desisyong gawin ang pelikula. Una, gusto raw talaga niya ang script ng pelikula. Ikalawa, may matagal na silang usapan ni Direk Jeffrey na papayag siyang gumawa ng indie film kung siya ang direktor.

Napag-usapan na isasama ang pelikula sa Cinemalaya, na alam naman nating limitado ang audience dahil sa Cultural Center of the Philippines (CCP) lamang inilalabas iyon, pero may guaranteed theatrical exhibition naman ang kanyang pelikula na pagkatapos ay idi-distribute nga ng Star Cinema. Ibig sabihin, ang pelikula niya kahit na independent ay tatanggapin ng mga sinehan.

Inamin din ni Gov, bagsak ang talent fee niya sa indie project na ’yan.

“Cinemalaya po kasi iyan. Ang rule ay hindi maaaring gumawa ng isang indie na ang puhunan ay lalampas sa tatlong mil­yong piso at kalahati. Kung iisipin, talent fee lang ni governor iyon. Kaya nga nakiusap din kami sa kanya. Matagal na usapan ito, may tatlong taon yata,” pag-amin ni Atty. Jojie.

“Actually, takot ako sa project na ito. Una hindi naman tayo sanay sa indie. ’Tapos ang isa pang nakakagulat ay iyong ipinakita nila sa aking mga sulat. Hindi pa kami nagsisimula ng shooting may mga invitation na sa mga film festival sa abroad. Puro malalaking festivals iyon. Kung iisipin nakakagulat dahil hindi pa nila alam kung ano ang kalalabasan ng pelikula. Pero siguro dahil sa reputation na rin ni Jeffrey at Atty. Jojie, at ang mga nauna nilang ginawang indie kaya ganun ang paniniwala sa kanila ng mga festival organizer,” sabi pa ni Ate Vi.

Vina babangon sa Minsan May Isang Pangarap

Natuwa naman kami nang makita naming kasali pala si Vina Morales sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Minsan May Isang Pangarap, na kung saan ilo-launch din ang career ng dalawang bata, sina Larah Sabroso at Julia Base.

Makaka-identify pala si Vina dahil hin­di ba singing contest winner din siya sa Cebu noong seven years old pa lamang siya? Narinig ng area manager ng Viva noon na si Boy Bosque ang kanyang kanta, ipinadala ang tapes ni Vina sa main office ng Viva, ipinatawag ni Boss Mina Aragon ang kumakanta, at iyon na ang simula ng lahat.

Si Vina ay talented na singer talaga at aktres. Nagkamali nga lang siguro ng diskarte sa kanyang career pero naniniwala kaming makakabawi pa siya. Sana sa pagsisimula niya ng isang serye sa TV, makabawi naman siya.

 

ATE VI

BOSS MINA ARAGON

BOY BOSQUE

CINEMALAYA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIREK JEFFREY

DIREK JEFFREY JETURIAN

MINSAN MAY ISANG PANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with