Kahit nasa Switzerland na Sarah kailangang kilalanin ang kontrata ng GMA

Congratulations sa buong cast, headed by Senator Bong Revilla, at ng production staff ng epicseryeng Indio dahil based sa mga papuri sa twitter at facebook, mukhang inabangan at tinutukan talaga ang pilot episode nila last Monday, after ng 24 Oras sa GMA 7. Isa sa binati namin ay ang mahusay na acting nina Rhian Ramos as diwata Magayon at si Sarah Lahbati as diwata Ynaguiginid, ang tunay na ina ni Indio. May nag-tweet na kaya raw pinatay agad ang character ni Sarah ay dahil sa nag-inarte ito sa taping. Ipinaliwanag namin na from Sen. Bong mismo, sinabi niyang hanggang doon lamang talaga ang role ni Sarah kaya nga special participation lamang siya. Nagulat kami na nagpadala ng direct message (DM) sa amin sa twitter si Sarah na nagpapasalamat. Hindi kami nag-effort na i-DM si Sarah para tanungin kung totoong nasa Switzerland na siya tulad nang mga nasulat, at hindi na naghintay ng showing ng sexy movie nila ng boyfriend na si Richard Gutierrez at ni Solenn Heussaff, ang Seduction, sa January 30.

Kaya nang maka-lunch ng members ng Entertainment Press Society (Enpress) last Monday si Atty. Persida Acosta, Chief ng Public Attorney Office (PAO), isa sa naitanong sa kanya ay kung ano ang mangyayari kung totoong nakaalis na ng bansa si Sarah Labhati. Ang sagot lamang ni Atty. Persida, kailangang i-honor ni Sarah ang contract niya sa GMA Network. 

Samantala, sa kasalukuyan, nagri-replay na lamang ang show ni Atty. Persida na Public Atorni na dati ay nasa TV5 pero ngayon ay ini­lipat na sa Aksyon TV, Monday to Friday at 7:00 pm. May mga offers na rin sa kanyang TV show sa ibang network pero hindi niya matanggap dahil hindi pa siya binibigyan ng TV5 ng go signal since niri-replay pa nga ang kanyang show. May movie offer din sa kanya, special participation lamang, at gagawin lamang niya kung may free time siya. 

Nagpapasalamat si Atty. Persida kay President Noynoy Aquino dahil sa full support sa kanila. Nabigyan sila ng tenure of office at lumaki ang budget nila. Kung dati raw ang sweldo ng mga public attorney nila ay P 10,000 lamang, ngayon ay P 50,000 na, kaya hindi na mga kupasin ang mga shirts na suot nila, hindi na butas ang medyas, ilan sa kanila ay nakabili na rin ng sariling kotse. Eleven years nang PAO Chief si Atty. Persida at puwede lamang palang palitan ang isang PAO Chief kapag umabot na siya ng 65 years old.

 

Show comments