^

Pang Movies

Manonood ng pelikula ngayon, ibang-iba noon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano, 10 years na pala ang PM o Pang-Masa? Parang ang bilis naman ng takbo ng panahon. Hindi namin halos namamalayan, naka-sampung taon na rin pala kami.

Pero malaki na ang kaibahan ng mundo ng showbusiness ngayon kung ikukumpara noong nagsisimula pa lang ang PM. Noong panahong iyon ay parang mas aktibo ang industriya ng entertainment sa ating bansa.  Wala pa ang sinasabi nilang slump sa pelikula na ilang taon din namang naging problema. Pero ngayon ay nakita na natin ang katotohanan, na kaya pala ang mga tao ay hindi nanonood ng sine ay hindi dahil sa mataas ang admission prices ng sinehan. Hindi rin naman dahil sa napapanood din nila ang mga pelikula sa pirated video.

Ang totoo pala, kaya sinasabing nagkaroon ng slump sa pelikula at walang nanonood ay dahil hindi gusto ng mga tao ang ginagawa nilang mga pelikula. Kung gusto ng mga tao ang pelikula, manonood sila at kikita ang industriya. Ang katotohanang nakita natin sa katatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF). Kumita ang lahat ng mga pelikulang gusto ng mga tao. Nangamote rin naman ang mga pelikulang walang nakakagusto kung hindi ang mga gumawa lamang.

Buksan na natin ang ating mga mata sa katotohanang ’yan, ang dapat na ginagawa nating pelikula ay entertaining, iyong sikat ang mga artista at iyong pinagbuti naman ang pagkakagawa. Kung hindi tatalunin talaga ng telebisyon ang pelikula.

Tigilan na natin ang mga pelikulang para lamang matipid, ang kinukuha nating mga artista ay iyong mga walang name o mga laos na. Kaya nga sila walang name eh. Kaya nga sila nalaos na eh, ayaw na ng mga tao sa kanila. Eh bakit ipipilit pa natin sila?

Para lang PM ’yan eh. Bakit ba tumagal ng sampung taon ang PM dahil nagugustuhan ng mga nagbabasa? Ilagay mo ang ayaw nilang mabasa, tingnan ninyo kung may bibili.

Sa pagkakataong ito, palagay namin deserve naman ng mga kasama namin dito sa PM na mabati dahil sa kanilang pagsisikap.

BAKIT

BUKSAN

ILAGAY

KAYA

KUMITA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PELIKULA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with