Even at this stage in her career when she had already won the tag bilang Queen of Teleserye Theme Songs, feel ni Angeline Quinto, she is far from being ‘‘classy.’’ In fact, she doubts if she will ever be one.
As Angeline, said, laking Sampaloc, Manila siya. And whatever na kinagisnan niya sa paninirahan sa lugar na iyon will always be a part of her.
Na ayon kay Angeline, ay ’di niya ikinahihiya. Bagkus, ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat na niya. After all, it is in that area where the dream to make good all started.
Not that she wanted to totally abandon the place. She just desired to make a little improvement about her family’s life.
She knows that whatever she has become now, lahat ng neighbors nila ay happy for her. Kaya nga raw, happy siya na finally, she will soon have her own teleserye, Kahit Konting Pagtingin, which teams her up with Sam Milby and Paulo Avelino.
Directed by Darnel Villaflor, feeling daw ni Angeline, her character in the series is tailormade for her. She plays Aurora, isang palabang babae, isang dalaga na gagawin ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Sa gitna ng pakikipagsapalaran niyang ito, mami-meet niya ang dalawang lalaki na kapwa magpapatibok ng kanyang puso.
Nangangahulugan bang, naranasan niya ang umibig din sa dalawang lalaki? Immediately, ang naging sagot ni Angeline ay hindi. Although, may mga nanligaw din daw sa kanya.
All three stars ng Kahit Konting Pagtingin, sina Angeline, Sam, at Paulo, ay pawang naniniwalang ang kahit konting pagtingin na nararamdaman ng dalawang tao, isang lalaki at babae, ay posibleng mauwi sa matinding pag-ibig o pag-iibigan.
Naranasan na ba ito ni Sam? How about Paulo? At higit sa lahat, si Angeline, ang ma-in love, finally, na nagsimula sa konting pagtingin?
Sabi ni Sam: ‘‘Hindi pa. But I’d welcome it.’’
Obvious na ganito rin ang sagot nina Angeline at Paulo sa tanong.
Of the three of them, we all know that only Paulo is taken. Yes, officially, though not legally yet.
Inamin ni Angeline that it’s only recently na nagkakalakas-loob siyang makipag-usap kay Sam ng madalas. Dati-rati raw kasi, aniya, hirap siyang intindihin ang Ingles nito. Lalo pa nga at sobrang slang.
Pero, dahil daw siguro madalas magkasama sila abroad for a concert tour, she has not just become more at home with him but has adjusted as well sa pagsasalita nito ng Ingles.
Guess niya, her frequent travels sa ibang bansa has, likewise, help improve her English. ’Di lang sa pakikinig kung hindi maging sa pagsasalita rin.
From Sam nga pala, we learned, na tuloy pa rin ang pagsasahimpapawid ng kanyang series with Judy Ann Santos, Against All Odds, nagte-taping na rin siya para rito.
Writer aware sa kinopyang pamagat
Samantala, aware ang writer ng series na si Reggie Amigo na nagkaroon ng pelikulang may ganitong pamagat sina Fernando Poe, Jr. at Sharon Cuneta (na siya ring originally ay nagsa-plaka ng awitin).
Oo raw, pero ang kuwento ng series is totally different from the kuwento sa pelikula.
‘‘Tanging ang title lang ang ginamit namin,’’ depensa ni Reggie.