^

Pang Movies

Kim, humagulgol nang maalala ang ina

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Maraming pinahanga si Kim Chiu sa drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak dahil sa natural nitong akting bilang si Celine, ang tunay na anak ng kinikilalang magulang ni Maja Salvador na sina Janice de Belen at Ariel Rivera.

Sa isang ma-emosyong eksena ay ‘di napigilan ng aktres na humagulgol dahil naka-relate ito sa karakter na ginampanan kung saan sa tunay na buhay ay wala siyang nakilalang ina.

Sa pagbubukas ng book 2 ng Ina, Kapatid, Anak ay mas magiging mainit pa ang magiging banggaan at komprontasyon ng mahahalagang karakter sa istorya.

Magbubukas na ang Book 2 ng Ina, Kapatid, Anak sa January 14 gabi-gabi pagkatapos ng Princess and I.

Eddie saludo sa mga kasamahang artista

Very vocal sa pagsasabi si Eddie Gutierrez na hindi nagkatotoo ang sinabi sa kanya ng isang  senior actress bilang aging actor na wala ng proyekto dahil napasama ito sa Ina, Kapatid, Anak.

Samantala, saludo siya sa mga kasamahang artista sa IKA - Pilar Pilapil, Cherry Pie Picache, Janice de Belen, Ariel Rivera at kahit ang mga kabataang artistang sina Kim, Maja, Enchong Dee at Xian Lim. Papasok pa ang karakter ni Alex Medina na Best Actor sa Cinema One Originals Film Festival Awards.

Ang drama series ay mula sa direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin.

Car chase sa Jack Reacher, makapigil-hininga

Sa advanced screening ng Jack Reacher tampok si Tom Cruise ay pinuri ng mga manonood ang mahusay na pag-arte ng bida laluna sa mga maaksiyong eksena. Umaatikabong barilan ang mapapanood gayundin ang manumanong pakikipag-away ni Jack.

Makapigil-hininga ang car chase habang hinahabol ni Cruise ang mga salarin na siyang pinaka-highlight ng pelikula.

Palabas na ngayon mula sa Solar at United International Pictures.

vuukle comment

ALEX MEDINA

ANAK

ARIEL RIVERA

BELEN

BEST ACTOR

CHERRY PIE PICACHE

CINEMA ONE ORIGINALS FILM FESTIVAL AWARDS

INA

JACK REACHER

KAPATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with