Kunu-kunong bawal pa... Heart hindi nagpaawat sa pagkukuwento sa relasyon nila ni Sen. Chiz

May special request sa presscon ng Forever na huwag nang tanungin si Heart Evangelista tungkol sa love life nito pero mismong ang aktres ang hindi nagpaawat sa pagsasalita.

Pumayag si Heart na magkuwento tungkol sa kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero kaya na-prove ng press na in love sila sa isa’t isa.

Happy si Heart sa piling ni Chiz dahil matalino at smart ang senador. Nakakapag-date rin sila ng walang mga kasama na bodyguard.

Ang sabi ni Heart, nag-mature na siya at malaking bagay ito sa relasyon nila ni Chiz. Turning 28-years old si Heart sa kanyang birthday sa February 14. Wala raw siyang balak na magkaroon ng big birthday celebration dahil mas gusto niya na mag-dinner, kasama ang loved ones niya.

Geoff ang bilis pumayat

Si Geoff Eigenmann ang leading man ni Heart sa Forever. Marami ang nakapansin na malaki ang ipinayat ni Geoff dahil pinaghandaan nito ang taping ng afternoon drama series nila ni Heart sa GMA7.

Hindi naman idine-deny ni Geoff na tumaba siya noon pero ang maganda, napakadali sa kanya ang magpapayat kapag ginusto niya.

Gloria 79 na, malakas na malakas pa

Sosyal si Gloria Romero dahil sa edad na 79, bida siya sa isang teleserye.

Napakaganda ng role ni Tita Glo sa Forever dahil iikot sa kanya ang kuwento ng Forever.

Kung wala ang karakter ni Tita Glo, wala rin ang karakter ni Heart. Parang mga kambal sila na hindi puwedeng paghiwalayin or else, hindi mabubuo ang Forever.

Nakakabilib si Tita Glo dahil sa age na 79, malakas na malakas ang kanyang katawan, basta huwag lamang siyang susumpungin ng vertigo.
Love na love si Tita Glo ng kanyang co-stars at production staff ng Forever dahil hindi siya mahirap na katrabaho. Pagdating sa professionalism, maraming dapat matutunan mula kay Tita Glo ang mga bagets na artista.

Sarah G. pinauso ang thanksgiving party, ibang artista nagsusunuran na

Pinauso ni Sarah Geronimo ang Thanksgiving party sa pagpasok ng 2013 kaya pati ang ibang mga artista, magkakaroon na rin ng Thanksgiving party na type na type ko.

Isang bonggang Thanksgiving party ang inihahanda ni Richard Gutierrez at magaganap ito ilang araw bago ang kanyang birthday sa January 21.

Ibinalita rin ni Heart Evangelista na may Thanksgiving party din siya para sa entertainment press at siyempre, hindi magpapatalbog ang talent manager na si Jojie Dingcong na may Thanksgiving party rin para sa kanyang mga alaga. Ang saya-saya ng 2013 ‘ha?

Maja nang-ahas?!

Unfair ang paratang na inahas ni Maja Salvador si Gerald Anderson mula kay Kim Chiu dahil matagal nang hiwalay ang dalawa.

Nagkataon lang na best of friends sina Maja at Kim kaya big issue ang balita na nagkakamabutihan sina Maja at Gerald.

Hindi na bago ang mga ganyang kuwento dahil sa tunay na buhay, marami ang katulad ng kaso nina Gerald, Maja, at Kim.

Show comments