Yumaman sa pagluluto... Chef Boy nakabili na ng halos P7M na bahay at Pajero

Bongga ang regalo ni Chef Boy Logro para sa kanyang pamilya sa pagpasok ng 2013. Nakabili siya ng isang magarang bahay sa Woodland Hills sa Carmona, Cavite na nagkakahalaga ng P6.6 million!

Ayon sa kuwento ng host ng Kusina Master sa GMA 7 at Idol sa Kusina sa GMA News TV na nabili niya ang naturang bahay fully-furnished na.

May laking 192 square meters ang bahay pero bibilhin pa ni Chef Boy ang lote sa likod ng bahay para mapa-extend pa niya ang bahay. Papalagyan pa niya ito ng isa pang floor at isang malaking veranda.

Gusto ni Chef Boy ipa-renovate ang bahay at gawing Mediterranean style at dahil mahilig siyang kumanta, palalagyan pa niya ito ng isang music room na may sariling videoke set-up para dun na sila magkasayahan ng kanyang pamilya.

Nakabili na rin ng bagong Pajero na sasakyan ang celebrity chef at ang kanyang lumang Pajero ay binigay na niya sa kanyang anak na babae.

Sobra ang pasasalamat ni Chef Boy sa kanyang magandang career, lalo na noong ma­kilala siya dahil sa kanyang mga top-rating cooking shows sa Kapuso Network.

Bukod sa showbiz, abala rin ang chef  sa kanyang bagong restaurant at sa kanyang culinary school na patuloy na marami ang gustong mag-enroll.

Heart ayaw nang malungkot

Naniniwala si Heart Evangelista na hindi maaapektuhan ang bagong primetime series na Forever, katambal si Geoff Eigenmann, dahil lang sa lantad na ang relasyon niya kay Sen. Chiz Escudero.

Say naman ni Heart, si Geoff naman ay karelasyon si Carla Abellana kaya patas lang sila na may mga special someone sa buhay nila.

Ang maganda ay todo suporta ang mga partner nila sa kanilang drama series.

Gusto ngang maging masaya ang 2013 ni Heart dahil last year ay nabahiran siya ng lungkot dahil sa pakikipaghiwalay niya sa Brazilian-Japanese model turned actor na si Daniel Matsunaga.

“That’s why I really put myself in work. After Legacy, I did Luna Blanca then I have Watta Job, and every Sunday there’s Party Pilipinas.

“I also did Sosy Problems that did well naman sa Metro Manila Film Festival.

 â€œSo hindi lang ang love life ko ang maayos kundi pati ang career ko. I thank the Lord for everything,” pagtatapos ni Heart. 

Taylor Swift nilayasan sa resort ang boyfriend na member ng One Direction

Marami ang nagulat sa biglang paghihiwalay ng pop superstar na si Taylor Swift at ni Harry Styles ng One Direction.

Very sweet pa ang dalawa noong nakaraang December dahil laman sila ng mga magazine at tabloid. Pero nagtapos na nga ang relasyon nila nang magkaroon sila ng away habang nagbabakasyon sila sa Caribbean.

Ayon sa New York Post, si Taylor ang nakipaghiwalay kay Harry pagkatapos ng kanilang matinding away habang nasa isang plush resort sila sa Virgin Gonda, British Virgin Island.

Nagulat na lang daw ang mga tauhan sa resort nang biglang magpatawag si Taylor ng transport service dahil aalis na siya sa resort.

Nakumpirma ito ng isang source mula sa MailOnline.com: “Yes I can confirm they have split up. They were on holiday and had an almighty row.

“They are two young stars at the top of their game so who knows what will happen in the future.”
     Masaya pa naman daw na dumating si Taylor sa island noong umaga ng Jan. 1 after niyang mag-perform sa New Year’s Ball Drop in New York City. Doon sila nagkita ni Harry pero after three days ay umalis na si Taylor.

 

Show comments