Aktres na nagkakaedad nabuking ang paninira sa sariling network

Nasagap ang balita tungkol sa pag­ma­mal­dita ng isang aktres kaya turn off na turn off sa kanya ang mga bossing ng network.

Nawalan ng project ang aktres dahil nalaman ng mga bossing na may mga sinasabi siya laban sa TV network na nagtiwala sa kanya.

Natameme ang aktres sa mga sinabi sa kanya ng bossing ng TV station. Hindi siya makapangatwiran dahil buking ang kanyang pamba-badmouth laban sa network. Kung kailan nagkaedad ang aktres, saka siya naging mahirap na katrabaho.

Sharmaine todo iyak at nagluksa sa asong namatay sa cancer

Iniyakan ni Sharmaine Arnaiz ang pagkamatay ng kanyang pet dog na nagkaroon ng sakit na kanser.

Ang buong akala ni Sharmaine, gagaling na ang aso dahil inoperahan ito pero pagkatapos ng operasyon, tinubuan uli ng tumor ang kanyang pet dog. Hindi na pinatagal ang paghihirap ng kawawang aso na sumakabilang-buhay kamakailan lang.

Iyak nang iyak si Sharmaine dahil miyembro ng pamilya ang trato niya sa aso na nakasama nila nang matagal.

Ara tuluy-tuloy na ang pagnananay

Si Wendell Ramos ang love interest ni Meg Imperial sa Menor de Edad. Si Meg ang estudyante at si Wendell ang kanyang propesor.

Kasama sa cast ng Menor de Edad si Ara Mina na gumanap bilang nanay ni Meg. Hindi first time na naging nanay si Ara ng artista na hindi nalalayo ang edad sa kanya dahil siya ang madir ni Rocco Nacino sa Yesterday’s Bride.

May nagsabi sa akin na maganda ang role ni Ara sa Menor de Edad at mahusay ang kanyang acting na hindi surprising dahil award-winning actress siya.

Hindi nag-iisa si Ara Mina dahil mga nanay na rin ang mga karakter na ginagampanan nina Assunta de Rossi at Francine Prieto.

Si Francine ang nanay ni Xian Lim sa Ina Kapatid Anak at ganoon din ang role ni Assunta sa mga teleserye.

Mabilis ang takbo ng panahon. Sa ayaw at sa gusto ng mga artista, darating ang araw na mga tatay at nanay roles na ang kanilang mga gagampanan dahil sa pagsipot ng mga bago at younger stars.’Yung mga gumaganap noon na nanay at tatay, mga lolo at lola na ang mga pino-portray na karakter. That’s life!

 

Show comments