MANILA, Philippines - Among showbiz personalities, isa sa mga kahanga-hanga ay ang Young Superstar na si Judy Ann Santos dahil nababalanse niya ang buhay pamilya at ang kanyang showbiz career. Bukod kasi sa bongga niyang career sa telebisyon at sa movie ay sobrang happy and contented ni Juday sa piling ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo at sa kanyang dalawang anak na sina Yohan at Lucho.
Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay naikuwento ni Juday kung paano niya hina-handle ng balance ang kanyang buhay pamilya at showbiz career.
Say ng magaling na aktres: “Siyempre, ’pag may pamilya ka na, meron ka talagang effort na… ’Yung parang sobrang sunud-sunod na ’yung trabaho mo ’tapos maaga ka gigising tulog pa ’yung mga bata, uuwi ka tulog na sila.
“Nalulungkot ako kapag may dalawang araw na magkasunod ’yung trabaho mo kasi sanay ako na nakikita ko sila sa umaga.â€
Kaya naman, isa sa mga routine niya sa trabaho ay ginagawa na lang ni Juday sa bahay.
“Para-paraan, gagawan mo talaga ng paraan, like ’pag nagma-MasterChef ako, dun na lang ako nagme-makeup sa bahay para I can still spend time with my kids tutal ang call [time] ko naman eh nine o’clock, ten. So, ’yung buong time na nagme-makeup ako, nakakalaro ko sila habang mine-makeup-an ako,†sabi ng aktres.
Pagdating naman sa kanyang asawa na si Ryan, siyempre may extra effort din sa kanya na gampanan ang pagiging misis dito.
Nang matanong sa kanya kung ma-pressure ba na i-maintain niya ang status niya bilang celebrity plus ang pagiging perfect wife and mother, sagot niya: “Well, I guess may effort ka rin naman talaga para makita ka ng mga tao because sa rami ng mga nangyayari ngayon na ang bilis ng panahon, ang daming biglang nagiging artista, ang daming biglang sumisikat, you can’t help but think na, ‘Maaalala pa kaya ako ng tao?’ Kasi nag-pregnancy leave ka ’tapos medyo lumaki ka rin…
“Hindi mo rin naman maiiwasang mai-compare ka sa mas bata, may ganun. May pressure to look good, may pressure with anything. There’s a lot of pressure included in showbusiness especially when you become a wife kasi may comparison ka na lalo pa’t nabuntis ka’t nagkaroon ka pa ng anak.
“Biglang ang daming nakatutok na mata sa ’yo pero I accept the challenge. I accept the pressure because it makes me experience a different part of the industry eh na parang ‘Ah okay, so, feeling ko hindi lahat ng tao mabait. Kailangan dito muna ako makisama sa mga antipatika.’ May mga ganun talaga,†sagot pa nito.