^

Pang Movies

Alden sumusumpang hindi lalaki ang ulo at yayabang!

PARINIG NGA! - Lanie B . Mate - Pang-masa

Promise ni Alden Richards na hindi nagkamali ang GMA Network sa patuloy na pagbi-build up sa kanya para maging next big star ng istasyon. Lalo na’t siya ang gaganap sa importanteng role bilang binatilyong Bong Revilla, Jr. sa Indio.

Diin ni Alden, pinagbubutihan niya ang bawat trabaho at sisiguraduhin niyang hindi lalaki ang kanyang ulo o yayabang. Ito raw ang mahigpit na bilin ng kanyang ama dahil bukod sa malaki ang naitulong ng Kapuso Network sa kanyang career ay sobra-sobra pa ang kanilang natatanggap para sa araw-araw nilang pangangailangan.

Bukod sa Indio, excited na rin si Alden sa kanyang first solo album, hindi na siya makapaghintay na marinig na ang kanyang mga kanta sa radyo. Ninenerbiyos din siya sa mga feedback dahil hindi naman siya singer pero kinarir niya ang pagkanta habang ginagawa ang kanyang album.

Promise rin ng young actor, lalaban na siya sa kantahan kapag hiningan siya ng sample.

Jake naaliw sa paggawa ng indie films

Natutuwa si Jake Vargas dahil nakaka-tatlo na siyang indie movie na ang huli niyang natapos nung December ay Bahay Ampunan.

Kahit horror ang pelikula ay nag-enjoy ang Kapuso actor habang ginagawa ito. Hinaluan kasi ng pick-up lines ang ilang eksena nila. Kaya para lang siyang naglalaro sa shooting kahit tatlong araw at magdamag din niyang ginawa ang indie film.

Isa pa sa nagpagana kay Jake sa paggawa ng independent na pelikula ay dahil daw sa magagandang feedback sa ginawa niyang Delusyon nung isang taon na gumanap siyang adik. Pero marami raw mga bagets ang naka-relate sa kuwento ng indie movie niya.

This time, promise ni Jake, mas marami pang mapupulot na aral ang mga teenager na tulad niya sa bago niyang indie film.

Hindi na nagtaka si Jake sa plano ng GMA 7 na paghiwalayin sila ng kanyang ka-love team na si Bea Binene. Malaki ang tiwala ng bagets sa anumang desisyon ng management sa kanilang career.

Alyssa nakaiwas sa cosmetic surgery, hindi napeklatan

Hindi na pala kailangang dumaan sa mga mahusay na kamay ni Dr. Vicki Belo, para sana sa proseso ng pagpapakinis ng balat, si Alyssa Alano.

Himala kasing hindi ito nagkaroon ng peklat kahit pa sa sobrang laki ang dalawang naging butas ng sugat sa kanyang tiyan sa tagiliran dahil sa car accident nung isang taon. Namula-mula lang ang balat ng TV host.
Kaya sobrang thankful si Alyssa sa kanyang mga doktor. Bukod sa maayos ang pagpapagamot niya ay hindi siya namarkahan. Hindi na rin siya dadaan sa cosmetic surgery ng pagpapakinis. Mabuti na lang daw na natural ang kanyang paghihilom at hindi na kailangan ng “salamat po doktor”.

 

vuukle comment

ALYSSA

ALYSSA ALANO

BAHAY AMPUNAN

BEA BINENE

BONG REVILLA

BUKOD

DR. VICKI BELO

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with