Hindi pleased ang nanalong best director sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 na si Brillante “Dante” Mendoza sa mga lumalabas na box-office gross report ng kanyang pelikulang Thy Womb.
Sinisisi ni Direk Dante ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga lumalabas na gross reports na ‘yung iba ay balitang padded naman daw.
Noong New Year’s Eve, inilabas ang box-office returns ng eight entries after ng five days of exhibition (Dec. 25 to Dec. 19): Sisterakas (P167 million); One More Try (P91 million); Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako (P79 million); The Strangers (P72 million); Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion (P66 million); Sosy Problems (P37 million); El Presidente (P30 million); at Thy Womb (P24 million).
Ayon kay Direk Dante ay hindi totoo ang mga lumabas na gross report, lalo na sa kanyang pelikula na Thy Womb na umabot diumano ng P24 million na.
“That’s not true. As one of the producers of the film, I have the actual box-office figures that I continue to monitor on my own,” madiin na tugon ni Direk Dante sa isang phone interview. “I have been complaining about this since three days ago when it was reported that Thy Womb had earned P6.3 million in its first three days. That is not also true.”
May nakarating din kay Direk Dante na ang mga lumalabas na figures ay hindi raw galing sa opisina ng MMDA.
“If that’s the case then they have no complete control of their festival,” diin niya.
“I have investors in this project. When box- office release figures like that are made public and it does not even come close to our own tally, baka akala ng mga investors ko niloloko ko sila.”
Hindi naman worried si Direk Dante na pupulaan siya ng media dahil sa kanyang mga reklamo sa naturang festival.
“Ako lang ang nagku-complain. Of course, why would the top grossers complain even if their reported box-office sales are padded? It’s good promotions for their films.
“Basta ako I don’t want to resort to padding my film’s returns. Kung ano ‘yung totoo, eh di ‘yun ang ilabas nila,” pahayag ni Direk Brillante.
Mula sa 44 theaters na ibinigay sa Thy Womb noong Christmas Day, bumaba ito sa nine cinemas na lang kahit na nanalo ito ng pitong trophies sa MMFF Awards Night (including best actress for Nora Aunor) last Dec. 27.
Mga magulang naalarma na Young actor nababaliw sa female starlet na panget ang reputasyon
Masamang-masama ang loob ng mga magulang ng young actor dahil hindi ito nag-spend ng Bagong Taon sa bahay nila kundi nasa piling daw ito ng kinalolokohan niyang female starlet.
Nagkakilala ang young actor at ang female starlet sa isang guesting sa isang noontime show. Nagkagustuhan kaagad sila noong ipagsama sila sa isang segment.
Simula noon ay lagi na lang binibisita ni young actor ang female starlet sa condo unit nito. Kahit na may ibang nali-link kay young actor, tila dinedma na niya ito dahil sa pagkahumaling niya sa female starlet.
Ilang beses nang hindi umuwi sa kanila ang young actor at sa unit ng female starlet na natutulog. Wala namang magawa ang parents ni young actor dahil hindi na menor-de-edad ang kanilang anak at kaya nang gawin ang mga gusto niya.
Pakiusap lang nila na sana ay piliin ang babaeng gagawing girlfriend dahil sa mga nakarating sa kanila, hindi maganda ang reputasyon ng babaeng kinalolokohan ng young actor.
Noong nagdaang New Year ay nagpasabi na siya na hindi sa kanilang bahay magse-celebrate kasi kasama niya ang female starlet. Sa isang beach resort sila nag-New Year. Ang nakakagulat ay nagpaalam lang ang young actor kung kelan nasa airport na at papasakay na sila ng female starlet.
Inimbitahan pa naman ng parents ni young actor ang kanilang mga kamag-anak na matagal na nilang hindi nakikita. Dumayo sila para makasama rin ang celebrity pero ito pala ang mawawala.
One week nga silang nag-stay sa beach resort since hindi pa naman nagsisimula ang trabaho ni young actor sa kanyang bagong series.
Kaya wala na ngang magawa ang mga magulang nito kundi ang ipagdasal na lang na sana ay magising ito sa katotohanan at layuan na niya ng kusa ang female starlet.