^

Pang Movies

MMFF ayaw ibigay ang kinita nang apat na nangulelat, P700 million na target na kita hindi pa naabot!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaasa pa ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival na aabot sa target nilang P700 million ang kita ng walong pelikulang kasali ngayong taon.

Sa inilabas kasing kita kahapon, more than P500 million pa lang ang kita sa loob ng isang linggo - P512,873,411.55 – mula December 25 hanggang January 1. May natitira pang isang linggo dahil January 8 pa ang huling araw nila.

Nanatili sa no. 1 ang Sisterakas na kumita P231,878,445.67; second ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako na may P104,458,871.19; no. 3. Ang One More Try na may kitang P91,278,399.20 at no. 4. ang Shake, Rattle and Roll na may P34,582,606.14 .

Ang ang ibinigay nilang total na kita ay para sa walong pelikula  - P512,873,411.55.

Ang apat na nasa hulihan ay ang The Strangers, El Presidente, Sosy Problems, and Thy Womb at naghati-hati lang sa hindi pa aabot na P50 million. Walang ibinigay na breakdown sa apat na huling pelikula dahil ayaw daw ng pamunuan ng MMFF.

Kaya bahala na kayong mag-isip kung sino ang no. 5,6,7,8.

Ang apat na pelikulang nanguna ay kumita ng P462,198,291. 

                                                                                      

 

ANG ONE MORE TRY

EL PRESIDENTE

ENTENG KABISOTE

KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RATTLE AND ROLL

SI AGIMAT

SOSY PROBLEMS

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with