Kahit minsan nang nagreklamo: Dominic Roco walang balak layasan ang GMA 7

Papuntang Utah, USA sa second week of January si Dominic Roco para mag-attend ng Slam Dance International Film Festival na entry ang indie film niya, Ang Nawawala. Pero nagpaalam muna siya kay Direk Dondon Santos at sa production staff ng Indio dahil isa siya sa bumubuo ng cast ng epic telenovela. Happy si Dominic nang payagan siya dahil first time pala niyang magta-travel abroad. 

Nagpasalamat ang young actor dahil bago matapos ang 2012, nagsimula na siyang mag-taping ng Indio ni Sen. Bong Revilla, Jr. na gumaganap siya bilang si Bangwa. Pero papasok pa siya sa fifth week, na ang gumaganap nang Indio ay si Sen. Bong. Biniro tuloy si Dominic kung diretso na ang role niya, natawa siya at sana nga ay hindi siya mapatay agad sa story. Matagal-tagal na rin kasi siyang walang project sa GMA 7 kaya may time na talagang nagreklamo na siya pero ngayon ay maayos na ang pag-uusap nila ng GMA Artist Center. Wala naman siyang balak umalis sa network, ang twin brother niyang si Felix Roco ay nasa TV5.

Pero hanggang ngayon pala ay masama pa rin ang loob nila ni Felix sa ama nilang si Bembol dahil sa pag-iwan sa kanila at mayroon na itong bagong pamilya. At totoo ring ilang taon na silang walang communication ng ama pero nilinaw naman ni Dom na nirerespeto nila ang ama at wala sila rito ngayon kung hindi sa kanya. Humahanga rin siya kay Bembol dahil hanggang sa ngayon ay mahusay pa rin itong umarte. Nagbiro na lamang si Dom na kaya mahusay siyang umarte ay dahil nagmana siya sa ama. May bago rin siyang indie film na ginagawa, ang Coming Soon, kasama niya sina Glaiza de Castro, Andi Eigenmann, Cholo Barretto, at dinidirek ni Dante Nico Garcia.

Mareng Winnie uusisain ang ikatlong pinakamayamang Pinoy

Ngayong gabi, sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, special guest niya ang pangatlo sa pinakamayamang Pilipino, ayon sa Forbes Magazine, si Enrique Razon, Jr. Dating rebelde sa magulang, hindi nakatapos ng pag-aaral, pero at 17 years old ay nagsimula nang magtrabaho sa negosyo ng pamilya si Enrique. At 52, may $3.6 billion na siyang kayamanan. Kaya alamin, sa pag-uusap nila ni Mareng Winnie Monsod, kung anu-ano ang mga negosyo niyang pinasok at kung ano ang mga prinsipyo niya at may kabiguan din ba siyang nilampasan bago siya naging matagumpay? Sa GMA NewsTV ito mapapanood at 10 p.m.

Bea nagkukuripot sa mga mamahaling damit

At 14, marunong na si Bea Binene kung paano mag-save kapag may gusto siyang bilhin. Ngayong New Year, she gifted herself with a Starex Gold van na matagal din niyang pinag-ipunan. 

Sunud-sunod ang raket niya, hindi rin siya bumili ng imported clothes dahil hindi naman niya kailangan ito sa role niya as Angelina sa morning drama series niyang Cielo de Angelina with Jake Vargas. Happy na siya sa mga blessing na dumara­ting sa kanya lalo pa at kasama na nila ngayon ang daddy niya.

Show comments