Political clans pinasok ng investigative documentaries

MANILA, Philippines - Sa mga nakalipas na buwan, umiinit ang kampanya laban sa pagboto sa mga pulitikong nagmumula sa political dynasties.

Halos lahat ng probinsiya sa bansa, may political families. Sa Senado, Kongreso, at maging sa mga lungsod at munisipalidad, naghahari ang mga pulitikong nabibilang sa political clans.

Naging adhikain na ng Investigative Documentaries na tutukan ang mga political dynasties at kung anong uri ng serbisyo ang kanilang naihahatid sa kanilang mga nasasakupan.

Ilan sa mga naitampok namin ay ang pamilya Fua ng Siquijor, ang mga Romualdo ng Camiquin, ang mga Loreto-Petilla ng Leyte at ang mga Plaza ng Agusan del Sur.

Aming sinuri kung paano nila pinamunuan ang kanilang mga probinsiya at kung ano ang nadala nilang pag-unlad dito sa loob ng maraming taon.

Eleksiyon na naman sa Mayo. Layunin ng ID na makapaghatid ng mga kuwentong makakatulong sa pagbuo ng tamang desisyon ng mga botante sa lahat ng panig ng bansa.

 Manood ng Investigative Documentaries ngayong Huwebes, Jan. 3, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11 kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou Mangahas.

Show comments