Heart hindi naisip na magiging misis ni Sen. Chiz

MANILA, Philippines - Kapuso star Heart Evangelista has a lot of things to be happy especially regarding her career and love life. At kahit pa nga nasimulan ni Heart ang taong 2012 ng breakup with boyfriend Daniel Matsunaga, tinatapos naman niya ang taon ng masaya ang kanyang love life sa piling ng  Senador na si Chiz Escudero. Kino-consider na nga lang niya itong bonus.

“I’m already so content with my life and I have a bonus pa, so masaya,” sey ng isa sa bida ng pelikulang Sosy Problems na entry ng GMA Films sa MMFF. Kasama rin sa pelikulang ito sina Solenn Heusaff, Bianca King, at Rhian Ramos.

Naging maganda raw ang 2012 sa kanya at napakarami niyang dapat ipagpasalamat. Positibo rin daw siyang mas magiging better pa ang coming 2013 sa kanya.

“2012 was like a time na… (It’s) a change in my life na parang na-close ko ‘yung chapter—which is exciting kasi when you turn one page, may next na papalit. So na-excite na ako.

Dagdag pa niya, “One thing I learned with changes in your life: it happens for a reason, for a good one, because God wouldn’t want anything else for you except good things.”

Pero ngayong bagong taon, Heart has no specific expectations for 2013.

“I have no deadline,” sagot nito.

Ina-apply nga rin daw ni Heart ang ‘no expectations’ mentality sa kanyang pakikipag-relasyon kay Chiz kaya napakaganda raw ng itinatakbo ng kanilang relasyon.

“I’ve known him (Chiz) now for seven months, almost eight, so I think it’s working for us na hindi namin tinatago. Mas pribado lang kumpara sa past ko. But I think it’s working for us.”

Pero paano nga ba ang pakikipagrelasyon sa isang Senador na gaya ni Sen. Chiz Escudero?

Hindi nga raw niya nararamdaman niyang Senador si Chiz.

“Kaya siguro pakiramdam ko, ‘Oo nga pala ano, senador siya.’Hindi siya nagbo-bodyguard, wala siyang entourage, hindi siya flashy, hindi siya magastos, hindi siya bumibili ng mga mamahaling bagay,” sey pa niya.

Sabi pa nga ni Heart ay si Chiz pa ang nagre-remind sa kanya to stay grounded.

Pero naiisip ba niya ang posibilidad na maging wife ng politician someday?

“Oh my gosh, hindi ko iniisip yan.I really have no expectations with anything. That’s what makes it better now, kasi I’m just really enjoying the moment,” sey pa ng super-blooming at napaka-sexy na si Heart.

Kino-consider ni Heart na seryosong relasyon ang sa kanila ni Chiz kaya sobrang tini-treasure niya ang bawat moment na magkasama sila.

“But it’s a very serious relationship and I really like the level that I’m in.”

Meanwhile, during the presscon of the movie Sosy Problems, naitanong sa dalaga kung kino-consider ba niya ang sarili na ‘sosy?

“Yes, I am,” sagot niya agad sabay diin na being a sosy shouldn’t be a bad thing.

“You really don’t have to be rich to be sosy. It’s just really a mentality and how you want to carry yourself. You enjoy life. Sosy should be a good term. Sosy should be a happy-go-lucky, good vibes girl, wants to make friends, enjoy life,” sey pa ni Heart. 

 

Show comments