Tinuldukan na: Kim ayaw nang makasama si Gerald kahit kailan
Kahit mag-wish pa for the New year ang mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson, tinuldukan na ni Kim ang kung anuman personal and otherwise na nagkaroon silang dalawa.
She doesn’t even look forward na magkatambal silang muli lalo’t sa isang movie, yes, after 24/7 in Love, where the two of them appeared together in one of the episodes of their talent management’s, Star Magic, 20th anniversary offering.
Kim is grateful daw na may mga fans siyang naiintindihan ang kanyang desisyon, nanatili ang mga itong loyal sa kanya, kahit pa this time, may bago na siyang katambal sa katauhan ni Xian Lim.
The two are paired anew in the top series, Ina, Kapatid, Anak. Nabuo ang love team nila via their first series together, My Binondo Girl.
Meanwhile, matutupad na finally ang pangarap ni Gerald na maging solo star sa isang movie. In his next movie assignment, OJT (On the Job), isang action, well, he plays a professional killer. With him in the movie is Piolo Pascual.
He is set to do a new teleserye, too, where no less, than Maricel Soriano is playing his mom.
Direk Brillante nagsusumamong panoorin ang movie nila ni ate Guy
Paki from Brillante Mendoza, one of our brilliant indie film directors and producers : “please watch, support and endorse Thy Womb now before it’s too late.
“Theaters will pull it out because of no audience. Thanks!”
Thy Womb is, of course, the indie movie, which Nora Aunor topbill and won for her an international award for best actress.
Brillante directed Thy Womb.
Sunshine puwede sa buhay ng pelikula ni Mayor Lim
Hindi naman pala pinagbabawalan ni Cesar Montano na patuloy pang gumawa ng movie ang asawang si Sunshine Cruz, but, obviously, mas binibigyan niya ng priority ang pagiging mother to their three growing girls na pawang nag-aaral na.
And, of course, ng kanyang pagiging wife to Cesar and being a housewife as well.
Kaya, maituturing daw na bonus sa dating following ni Sunshine ang pag-agree niya to do a special role in the Metro Manila Filmfest entry, El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, where she plays Oryang, wife to Katipunero Supremo, Andres Bonifacio, na si Andres, which Cesar portrayed naman.
Presidente Emilio is played naman by Laguna Governor Jorge E.R. Ejercito.
Ang ganda at sexy ngayon ni Sunshine. Kaya, puwedeng-puwede pa siyang magbalik-pelikula, kung gugustuhin niya.
Come to think of it. Bakit hindi na lang ibinigay ni Cesar kay Sunshine ang role na reportedly first offered to Denise Laurel na, reportedly din, ay nag-back out!
It would be a bonus to see them in a movie together anew.
Isa pang anak ni Erap pang-artista ang beauty
In town, obviously for good, ang panganay na anak ng dating aktres na si Laarni Enriquez, na si Jerika (Ejercito), who studied in London. Pang-artista ang beauty ng anak na ito ni former President Erap bagama’t di siya kasing-tangkad ng kanyang ina na si Laarni.
Ganunpaman, ang pangarap daw niya ay ang maging isang TV host, aniya kay Daphne Osena, nang interbyuhin siya nito sa kanyang programang Cocktales on Aksiyon TV.
Ibinalita ni Jerika, iniwan niya ang nakababatang kapatid na si Jake (Ejercito) sa London, dahil nag-aaral pa.
- Latest