Binigyan na ng memo ang female TV host na kumuha ng matinong stylist dahil parati na lang pinipintasan ang mga suot nito sa TV.
Umaasa lang kasi si female TV host sa kanyang mga sponsor para sa mga damit na isusuot niya. Pero kadalasan ay hindi magaganda ang mga pinapadala sa kanya kaya super na inookray si female TV host ng mga Internet blogger.
Pero dahil sa sobrang kuripot ang female TV host, ayaw nitong magbayad ng sarili niyang stylist. Gusto niya na ang show niya ang magbayad ng stylist para sa kanya.
Ginawa na iyon dati ng producers ng show niya at binigyan siya ng in-house stylist pero two weeks lang nagtagal ang stylist sa female TV host dahil marami silang hindi napagkasunduan.
Masyado raw kasing maraming kaartehan ang female TV host. Kapag may pinapasuot ang stylist sa female TV host, hindi nito sinusunod at ang mga dalang damit pa rin ang gustong isuot.
Tuloy napipintasan ang stylist sa mga damit na hindi naman niya pinasuot sa female TV host. Eh pangalan pa naman niya ang lumalabas sa CBB (closing billboard) ng show. Kaya sumuko na lang ang stylist at wala ring ibang stylist na gustong makatrabaho ng TV host dahil sa mga nakakalokang kuwento nito sa kanila.
Kaya kung may gustong makasundo ang female TV host na stylist, kailangan na siya ang magbayad para rito or else forever na lang siyang pipintasan dahil sa mga suot niyang hindi kagandahan sa TV.
Janice ayaw ma-stress sa relasyon
Dalawa ang pelikula ni Janice de Belen ngayong Metro Manila Film Festival. Ito ay ang Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion na nasa Pamana episode siya with the original stars ng unang Shake… na sina Herbert Bautista and Arlene Muhlach; at sa The Strangers with Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, at iba pa.
Pareho ngang horror ang tema ng pelikula ni Janice ngayong December. In fact, puro horror films ang nagawa niya ngayong 2012 tulad ng The Healing, Pridyider, at Tiktik: The Aswang Chronicles. Kaya dapat lang na siya ang tanghalin na original Horror Queen.
Isang drama lang ang nagawa niya which is Mga Mumunting Lihim na nanalo pa siya ng award together with Judy Ann Santos, Iza Calzado, and Agot Isidro sa Cinemalaya Independent Festival.
Maganda ang tinakbo nga career ni Janice lalo na sa TV. Ginawa niya ang Budoy at nasundan ito ng Ina, Kapatid, Anak sa ABS-CBN. Nandiyan pa rin ang cooking show niyang Spoon sa Net 25.
Happy nga si Janice dahil ang panganay niya na si Luigi Muhlach (anak niya kay Aga Muhlach) ay isa na ring mahusay na chef na tulad niya. Meron itong sariling cooking segment with Del Monte Kitchenomics sa GMA 7.
“All my kids are doing fine. Kahit na busy tayo, nababantayan ko pa rin ang mga ginagawa nila. I am extra proud of Luigi kasi nga he’s a family man now and he has a good career as a chef. Nagmana sa akin pala ang batang ’yan!” tawa pa niya.
Wala nga lang love life si Janice pero hindi naging malungkot ang Pasko niya.
“Zero ang love life ko pero I still have my family to love me unconditionally.
“Ayokong ma-stress sa isang relasyon. At my age, I should be happy sa nangyayari sa buhay ko, with or without a boyfriend,” sabi ng aktres.