^

Pang Movies

Parang fastfood lang Yohan nag-o-order ng baby sister kay Juday!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pa-cute na sinabi ni Judy Ann Santos sa The Buzz  na tina-try na talaga nila ng asawang si Ryan Agoncillo na magkaron ng babies ulit. Yes, babies, dahil twins pala ang gusto nila this time.

“We’ve talked about it. Parang kung magkakaroon kami ng chance na magka-baby pa ulit, kung mapagbibigyan kami ni Lord, maganda ’yung twins,” say ni Juday.

Noong una raw, okay na raw sana sa kanila ang dalawa – si Yohan, the panganay at ang bunsong si Lucho.

“Nung una, parang okay na kami sa dalawa kasi balanse lahat. Kapag nasa ibang bansa kami, tig-isa kami ng bagets — ako doon sa mas maliit, siya kay Yohan.

“Pero kapag tinitingnan namin ang mga anak namin tapos kung gaano kami kasaya kapag magkakasama, parang you can’t help but think kung ano kaya ang magiging hitsura ng isa pa? Kasi parang ang cute-cute naman nitong batang ito,” she said.

Maging si Yohan nga raw ay nagre-request na ng kapatid. Kaswal daw na sabi ni Yohan, “Mommy, I want a baby sister.”

Ang sagot naman ni Juday, “Fastfood lang ako? Kung makapag-order, ganun-ganun na lang?”

Nang matanong naman siya tungkol sa tsismis na ayaw na niyang gumawa ng teleserye, mabilis na pinabulaanan ito ng aktres.

“Hindi naman, hindi naman. Siyempre, sa tele­serye ako lumaki eh. Parang kakambal ko na ‘yan, parang part na ng pagkatao ko,” sabi niya.

Between acting and hosting, Juday said that she still prefers the former at next year ay makikita na raw siya sa teleserye.

Pagdating naman sa pelikula, inamin ni Juday na siya mismo ang nag-request sa Star Cinema na makasama si John Lloyd Cruz.

“May mga usapan na about it. Isa siya sa mga leading men na ni-request ko nang mag-meeting kami nina Ma’am Malou, (Santos of Star Cine­ma). Ang intense kasi ni JLC na umarte eh. Gusto ko siyang ma-experience,” say pa ng isa sa bida ng Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako.

Nagkasala sa Islam dahil kay Kris, Robin libo na ang pinakaing tao

Aliw na aliw si Kris Aquino nang malaman niyang dahil sa kissing scenes nila ni Robin Padilla sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw ay kinailangang magpakain ng action star sa maraming tao.

Kinuwento kasi ni Binoe na malaking kasalanan sa kanilang mga Islam ang makipaghalikan sa hindi mo asawa at bilang parusa ay kailangan niyang magpakain ng maraming tao.

“My God, eh, ‘di ang dami na niyang napakain na?  He fed so many, clap, clap,” say ni Kris.

 “And that’s good sixty people (bawat halik), na napapakain niya?  Oh my God, thousands of people na mapapakain niya sa raming beses namin (mag-kiss),” natatawang say pa ng Queen of of All Media.

Pero in fairness naman daw to Binoe, ang sarap daw katrabaho ng aktor.

“He comes on time and he knows kung ano ang atake sa karakter, never nabulol and perfect memory.

“There was this scene na six pages (ang script), tuluy-tuloy kasi tuluy-tuloy ang emosyon and that’s what I appreciate  in him at ang sarap sa set kasi everybody is so good.  I love kuya Pip (Tirso Cruz lll),” say ng actress/TV host.

Sa Jan. 21 na eere ang Kailangan Ko’y Ikaw kung saan ay kasama rin nila ni Binoe si Anne Curtis.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ENTENG KABISOTE

IKAW

JOHN LLOYD CRUZ

JUDAY

KAILANGAN KO

YOHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with