Galit na galit ang mga protestang natanggap namin sa mga text message at phone call, buong araw ng Huwebes. Ayaw nilang pumayag na first runner-up lang si Janine Tugonon at ang Miss USA ang bagong Miss Universe.
Halos nagtitili ang kanilang mensahe: “Lutong makaw!”, “Dinaya si Janine”, “Walang K ang Miss USA dahil kinabog siya ng Bb. Pilipinas sa lahat ng parte ng pageant!”
Pati nga sa question and answer portion ng five finalists, standout si Janine na most impressive ang tugon sa tanong na kailangan bang mahusay magsalita ng English ang isang Miss Universe.
Sa sagot ng Miss USA, walang na-impress at low mentality o mababa ang IQ ng Amerikana.
Para sa ating mga Pinoy, si Janine ang winner. Pero sa judges ng Miss U, si Miss USA ang title holder.
Kung buhay pa si Mama Monchang, alam na natin ang magiging komento niya sa candidate from USA, “Plain Jane!”
Baron, tinawag na bakla si Victor Basa
Mahaba ang kuwento ni Divine Lee sa kanyang bagong role na latest victim ni Baron Geisler. Isa sa mga reklamo niya, nalagyan ng laway ang kanyang pisngi dahil nakabuka ang bibig ng self-proclaimed bipolar nang tangkaing halikan siya.
Isang portion ng salaysay ng TV host, ang pagtawag ng “bakla” ni Geisler sa kanyang boyfriend na si Victor Basa. Hindi na niya ito pinatulan dahil alam ni Victor na may diperensiya sa utak ang nagsabi.
Very confident sa kanyang pagkalalaki si Basa at si Divine mismo ang makakapagpatunay: “Alam na alam ko kung gaano ang tunay na pagkalalaki ni Victor.”
Sa mga pambabastos naman ni Geisler sa mga babae at pananakit niya sa kapwa tao, siya ang masasabing hindi ganap ang pagkalalaki o pagkatao.
Nagulat pa si Divine na lahat silang nabastos ng lasenggo/bipolar ay pinagbintangang sinungaling. “Ginagamit lang namin siya upang umangat ang aming career.”
Batid ni Divine na wala namang mangyayari kung magdemanda pa siya dahil gagamiting dahilan ang pagiging bipolar. Mungkahi na ang niya sa erring actor: “Aminin mo na lang kung ano talaga ang problema mo at magpagamot ka sa isang specialist sa ganyang sakit.”
Papayag ba naman siyang mag-one-on-one interview kay Geisler kung ma-assign ng TV5 na gawin niya?
“All the time,” agad na sagot ni Ms. Lee. “Gusto ko rin na maitanong ang lahat sa kanya. Baka maipaliwanag ang malalaking misteryo sa kanyang pagkatao at malaman natin kung bakit siya nagkaganyan.”
Premyadong aktor takot na takot madikit sa mga bading pero nakipag-live-in na pala sa parloristang bakla!
Ito palang premyadong aktor na ang drama ay homophobic na takot na takot madikit lang sa mga bading, matagal naging ka-live-in ng isang baklesh na beautician. At hindi pa taga-parlor ang dati niyang dyowa. Nagho-home service lang sa paligid ng kanilang barangay!
Mabait naman at sobrang maasikaso ang taga-himay ng buhok at taga-kayas ng mga kuko. Lahat ng masasarap na putahe, inihahanda sa kanyang boyfriend. Nang ma-discover ng isa pang bading (reporter naman), iniwanan na lang ang orig na dyowa.
Justin Bieber sa ibang bansa na lang papanoorin ng Pinoy fans
Binalaan ng mga kongresistang kasama ni Rep. Manny Pacquiao na kapag hindi humingi ng formal apology sa Pambansang Kamao, mapipilitan silang ideklarang “persona non grata” ang young singer na si Justin Bieber.
Kapag nagmatigas si Bieber, ibig sabihin, hindi na siya welcome na magpunta sa Pilipinas, para magtanghal sa mga live concert at sa iba pang pagkakakitaan sa ating bansa.
Say naman ng mga rich niyang fans, puwede naman nilang abangan ang mga show ng kanilang idol sa mga neighboring Asian countries! Aba, can afford ang mga rich na bagets!
Direk Chito tinulungan ng magagaling na writers
Pawang mahuhusay na scriptwriters ang katuwang ni Director Chito Roño sa paggawa ng tatlong episode sa Shake, Rattle & Role XIV: The Invasion ng Regal Entertainment, Inc. Sa unang yugto na Lost Command, Si Rody Vera ang sumulat.
Ang multi-awarded na si Ricky Lee ang may akda ng second episode na Pamana at si Roy Iglesias ang nagsulat ng final thriller na Unwanted. Kaya tatlong iba’t ibang klase ng horror film ang SRR 14.