^

Pang Movies

Jolo, pahinga muna sa showbiz

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa presscon ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ay nakausap naming si Jolo Revilla at inamin nito na magpapahinga muna siya sa showbiz dahil prioridad ngayon ang pulitika.

Magiging abala kasi ang aktor sa pangangampanya sa pagiging vice governor ng Cavite kung saan siya ang running mate ng gobernador na si Jonvic Remulla, Sakaling manalo hindi naman nito iiwan nang tuluyan ang showbiz, mas magiging focus lang siya sa pagiging public servant.

Double time ngayon si Jolo dahil nagpo-promote siya ng MMFF entry nila at ginagawa pa rin nito ang tungkulin bilang Board member ng Cavite.

Sa pelikulang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ay ginampanan nito ang karakter ni Makisig, isang mandirigma sa mundo ng Amuleto. Proud nga si Jolo dahil ginastusan ito nang malaki kaya naging pulido ang pagkakagawa ng movie para saiyahan ang mga manonood.

Ang Christmas wish ng guwapong aktor ay maging number one sa takilya ang kanilang pelikula na ipalalabas na sa December 25 mula sa Imus Productions, Octo Arts Films, M-Zet, APT Entertainment, at GMA Films sa direksiyon ni Tony Reyes.

Aljur protektado sa intriga ang pamilya

Nakiusap si Aljur Abrenica na tigilan na sana ang intriga ang kanyang pamilya.

“Bagong taon na at sana huwag nang isali ang mga kapatid ko. Mga bata pa sila edad 16 at 13 years old. Huwag na sana kami intrigahin.

“Sa totoo lang maayos na magkasama ngayon ang aking tatay at nanay,” anang Aljur.

Kasama ngayon ang aktor sa Sosy Problems ng GMA Films na entry sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG CHRISTMAS

CAVITE

ENTENG KABISOTE

IMUS PRODUCTIONS

JOLO

JOLO REVILLA

JONVIC REMULLA

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with