^

Pang Movies

Young singer-actress malala ang pag-a-attitude kahit nakaka-isang album pa lang!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masama ang loob ng isang host sa isang young singer-actress (YSA). Minsan sa backstage before niya i-host ang ipino-promote na album, binati niya si YSA pero wala raw siguro sa mood, sinima­ngutan siya at tinaasan pa ng kilay. Hindi naman iyon ang first time na nag-host siya ng mall show ni YSA kaya nagulat at napahiya siya dahil mara­ming nakakita sa ginawa ni YSA, fans at ang mga taga-recording company. 

Nag-sorry sa kanya ang mga taga-recording pero simula noon hindi na niya tinatanggap kapag may offer sila sa kanya na i-host si YSA. Ganoon din pala ang attitude ni YSA noong album pictorial nito. May nagbulong din sa host na may pagkamaldita talaga si YSA at lumaki na ang ulo kaya hindi raw sila magtataka kung hindi na masusundan ang album nito. Kaya si host, nag-unfollow na si YSA sa Twitter account nito. At pinuri niya ang isa pang young singer-actress na mas bata kay YSA dahil napaka-professional kahit pa puyat at pagod sa sunud-sunod na work ay nakangiti lagi sa lahat ng tao.

Ryan binuntutan si Juday hanggang filmfest

Mukhang magiging masaya ang dara­ting na 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Dec. 25 dahil nagsasama-sama ngayon ang puwersa ng mga dating magkakalaban sa box office noong mga nakaraang MMFF. 

Kung dati magkalaban sina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos, ngayon ay magkakasama na sila sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako, produced ng limang malalaking producers: Imus Productions, M-Zet Productions, OctoArts Films, APT Entertainment, at GMA Films.

At parang hindi pa nagkasya sa malaking cast, may special participation din si Ryan Agoncil­lo. Matatandaang nag-box-office hit noon ang Ka­sal, Kasali, Kasalo ng mag-asawang Ryan at Judy Ann. Kaya naman hindi tumanggi si Ryan nang imbitahin siya para mag-guest sa movie. 

Sa story, papasok siya sa daigdig ng mga mortal na naroon si Angelina (Juday) na idi-date niya sa isang restaurant. Siyempre may sorpresa ang mag-asawa sa kanilang fans at mga manonood ng movie. Tandaan po lamang, for general patronage ang movie na idinirek ni Tony Reyes mula sa script ni Bibeth Orteza, para sa mga bata, matatanda, babae at lalaki.

New Wave films ng MMFF mauuna na ng screening

Nag-iimbita ang Metro Manila Development Autho­rity at ang Metro Manila Film Festival Executive Committee sa Gala Screening ng limang pelikulang kasali sa New Wave division, bukas, Dec. 18, 4:00 p.m., sa Glorietta 4 Cinemas, Makati City. 

Dadalo ang mga artista at producers ng New Wave films: Ad Ignoratiam nina Kristoffer King; Ina Feleo ng Quantum Films; Gayak with Alan Paule, Sef Cadayona ng Pro.Pro Artist; In Nomine Matris with Liza Dino, Biboy Ramirez ng HUBO Prod.; Paglaya sa Tanikala with Matteo Guidicelli ng Kuwentista Production, Inc.; at The Grave Bandits with Mardi Sandino San Juan ng Paper Boat Pictures. Tatagal ang showing nito hanggang Dec. 22.

 

 

AD IGNORATIAM

ALAN PAULE

BIBETH ORTEZA

BIBOY RAMIREZ

BONG REVILLA

NEW WAVE

RYAN

YSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with