MANILA, Philippines - Patuloy ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang advocacy na pagtulong sa mga buhay ng mga Filipino and affecting positive change sa paglulunsad ng isang nationwide tour ng kanyang show sa Kapatid Network, ang Sharon Kasama Mo, Kapatid. Bibisita ang show sa Luzon, Visayas, at Mindanao and it will feature inspiring and heartwarming stories of love, hope, forgiveness, and redemption.
Bumisita kamakailan si Sharon sa kanyang hometown, ang probinsiya ng Pampanga kung saan nakipag-tsikahan siya sa mga tao na nasa likod ng sikat na sikat na Kapampangan delicacies Susie’s and Nathaniels. Nikipag-bonding din si Sharon sa iconic Kapampangan cook na si Atching Lilian Borromeo magkatulong silang nagluto at naghanda ng Atching Lilian’s famous San Nicolas cookies. Binisita rin ni Sharon ang Pampanga’s famous restaurant na bahagi ng kanyang childhood life ang Everybody’s Café and kung saan nag-sample pa ng isang scrumptious lineup ng Kapampangan cuisine.
Sa isang very touching na episode, pinagtagpo ni Sharon ang isang mapagmahal na tatay sa walo nitong mga anak para ngayong Christmas season.
Binisita rin ni Shawie ang bahay ng well-loved Kapampangan na kilala bilang “Anak Ning Pampanga” – ang legendary Filipino movie icon na si Sen. Lito Lapid.
Sa Davao naman, Sharon hosted a special and free thanksgiving show at Abreeza Mall ka-join ang comedian na si Chokoleit, ang Davao’s pride na si Krizel ng Sharon’s Star Power, at ang singer-composer na si Rey Valera. Nag-tour din sa the best of Davao from the Crocodile Farm hanggang sa Rico’s Lechon.
Sa Cebu ay nag-food trip si Sharon at inilahad ang best-kept secrets ng Cebu’s most famous and iconic brands.
Nagkaroon din ng eksklusibo at one-on-one interview si Sharon kasama ang former singer-actor na si Jay-R Siaboc at binisita rin niya ang feisty na Cebuana na si Annabelle Rama.
Abangan ang mga espesyal na episode sa show ni Mega sa TV5, Mondays to Fridays, 4:30 p.m. to 5:30 p.m., Dec. 10 to 14 (Davao special) at Dec. 17-21 (Cebu special).