’Katuwang marinig na kahit masaklap ang pagkatalo ni Rep. Manny Pacquiao, panay ang pasasalamat ang bukambibig ng Pambasang Kamao sa pagkatapos ng laban kay Juan Manuel Marquez. Maging si Jinkee Pacquiao ay nagsabing “by grace of God… praise God,” sa interview nito sa The Buzz kahapon.
Kahit masama ang loob ay nagpakita pa rin ng pagiging sport si Manny sa paglapit nito sa Mexicano bilang tanda ng kanyang humble spirit. Panay ang prayer ng lahat na walang permanent damage ang natamo niyang suntok sa pagka-knock out niya sa kalaban.
Kahit maraming naiyak sa pagkatalo ni Manny, buo pa rin ang suporta ng buong sambayanan kay Pacman at maging sa ibang panig ng mundo. Pinaka-touching ang pagpo-post at pagtu-tweet ng maraming fans na “win or lose PACMAN forever.”
Gov. ER hangad na makapagbigay pa ng trabaho
Ilang beses na binigyang diin ni Gov. ER Ejercito na hindi mapapahiya ang entry nilang El Presidente dahil sa siguradong quality film ito sa Metro Manila Film Festival.
Hindi lang daw pang-estudyante ang kanilang pelikula kundi alay din nila ito sa Pilipino. Para i-share ang buong kuwento ng buhay ni Gen. Emilio Aguinaldo lalo na sa young generation natin ngayon. Tiyak na magiging proud ang lahat at maa-appreciate pa ang history natin kapag napanood daw ang pelikula.
Pina-polish na lang sa ngayon ang paglapat ng musika na may tumugtog pang live orchestra.
Habang buhay daw na iti-treasure ni Gov. ER ang pelikulang El Presidente. Ang hangad niya ay magbigay ng trabaho hindi lang sa mga artista kundi maging sa maliliit na production people ng industriya.
Pops, good vibes lagi kaya gumanda
Sa kaseksihan at ganda ni Pops Fernandez, walang maniwalang malamig ang kanyang Pasko ngayon.
“Sana, but I’m taking time. Okay naman,” sagot na nakangiti ni Pops sa tanong kung meron ba siyang special someone.
Dagdag pa niya, maganda lang ang aura niya ngayon dahil hindi siya nag-iisip o nag-i-entertain ng mga negative na bagay. Good vibes lagi ang feeling niya at may inner peace siya. Kaya naman gumaganda rin daw ang paligid niya.