MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang fund drive ng The Philippine STAR, kasama ang sister publications na Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa para tulungan ang mga grabeng sinalanta ng killer Typhoon Pablo. Tumatanggap sila para sa karagdagang suporta at donasyon.
Sa kasalukuyan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRCCMC), umabot na sa 456 ang namatay, 500 ang nawawala at 445 ang balitang mga nasugatan sa hagupit ng bagyong Pablo. Dahil sa lawak ng pinsala, inirerekomenda ang pagdedeklara ng state of national calamity para mas mapabilis ang tulong lalo na sa lugar ng Compostela Valley sa Davao, Mindanao.
Kabilang sa mga naunang nagbigay ng tulong sa fund drive ng STAR ay ang Metrobank Foundation at ang buong STAR Publications. Kasama rin sa mga nag-donate na ang TGFHA, P50,000; K.L., P50,000; MGB, P50,000; E-Bros Group Foundation, P30,000; Pharmaworld Distribution, Inc. of Lipa City, P20,000; at Linda’s Lechon Cebu, P5,000. Nakalikom na sila ng kabuuang P1.105 million.
Ang social arm ng STAR, ang Operation Damayan, ang magdadala ng tulong sa mga pinakamatinding tinamaan ng killer bagyo. Ang Operation Damayan ay binubuo ng volunteer-employees ng Star Group na tuluy-tuloy ang ginagawang mga proyekto sa buong taon para i-promote ng corporate social responsibility ng pinakamalaking newspaper group sa bansa.
Sa may magagandang kalooban, maaaring i-deposit ang inyong cash donations sa The Philippine STAR Operation Damayan c/o MBTC Aduana Branch Savings Account No. 151-304-161622-9 (kindly fax deposit slip to Tel. No. 301-9598 c/o Operation Damayan). Puwede ring i-charge sa RCBC Bankard or by using rewards points through www.rcbcbankard.com, iDonate or via Bankard’s customer service at 888-1888.
Para sa iba pang detalye, please call 527-7901 and look for Damayan head Emie Cruz, email contactus@philstar.com.ph or follow @philippinestar for updates via Twitter.