^

Pang Movies

Tom kailangang kumita!

SO...CHISMI ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Tom Rodriguez ang bagong talent ng manager nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Martin Escudero, at marami pang iba na si Popoy Caritativo ng Luminary Talents.

Ngayong December lang naging official si Tom sa management ng Luminary pero early this year ay nag-usap na sila para sa pag-alis ng aktor sa Star Magic ng ABS-CBN. Ito ‘yung noong nagsyu-shooting sila ng Temptation Island. That time ay nasa Star Magic pa si Tom.

 “I made a decision not to renew my contract with Star Magic when I went to the States. Two years din ako with them and I appreciate every thing na ginawa nila for me,” sabi ni Tom.

Kaya lang ay gusto niyang magkaroon ng ibang manager na personal ang pagtutok sa kanyang career.

 “Masyado na kaming marami sa Star Magic. Almost every day, may bagong dumarating na artista, either bago or galing sa ibang network.

 “So ‘yung mga dati, tulad ko, hindi na nabibigyan ng priority. Sad to say, marami kaming napag-iiwanan doon. In my case, I really need to work kasi nga nag-iisa lang ako rito. Minsan walang trabaho and I have to wait ng ilang months before I get to have a regular show,” paliwanag ng aktor.

Pero wala siyang masasabi sa grupo nina Johnny Manahan at Mariole Alberto. Mababait naman daw sila.

Nag-end na officially ang kontrata ni Tom sa Star Magic ngayong Dec. 8.

For now ay naka-focus muna siya sa stage musical na Aladdin na magtatapos na rin bukas, Dec. 9. After nun ay puwede na silang mag-usap ni Popoy ng mga gagawin niya for 2013.

Angelu nag-flashback nang mabuntis ng maaga

Nag-flashback kay Angelu de Leon ang mga da­ting eksena na ginawa niya noong kasikatan ng grupo nila sa TGIS (Thank God It’s Sabado) sa GMA 7.

Say ni Angelu, ang bilis ng panahon. Dati-rati ay tulad siya ng mga fresh talent ng GMA 7 na excited magsimula sa kanilang showbiz career. Ngayon ay ina na siya sa tatlong anak.

“Sinasabi ko nga sa mga batang ito ngayon na huwag silang magmadali. Enjoy their youth. Huwag silang tumulad sa akin,” sabay tawa ni Angelu.

Ang ibig sabihin ay ang huwag silang maging magulang sa napakabatang edad. Kaka-18 years old pa lang ni Angelu nong mabuntis siya ng boyfriend niya that time na si Joko Diaz. Inamin nga niya na naging malaking epekto iyon sa career niya kaya advise niya sa mga baguhan na pag-ingatan ang mga career nila.

 “I learned everything the hard way. Hindi rin maganda ‘yung matigas ang ulo mo. In the end, nandoon ang realization na mas naging maingat ka dapat.,” sabi niya.

Pero balik ulit sa pagiging busy si Angelu via the new teen series ng Kapuso Network na Teen Gen. This time ay parent na sila ng ka-love team niya noon sa TGIS na si Bobby Andrews.

Sa Dec. 16 na magsisimula ang Teen Gen.

Jose at Wally manglilito na naman

 Ngayong Sabado, tatlong Kapuso stars ang susubok sa hamon ng utakan at panlilito sa Celebrity Bluff.

Ang mga “kilabot” mula sa Gang na magtuturo, manglilito, at mang-eetchos na sina Jose Manalo at Wally Bayola, at magdadagdag ng kakulitan ang guest Gangnammm na si Gladys Guevarra.

Maglalaro ay ang mga Kapuso star na sina Alden Richards, Kris Bernal, at Rocco Nacino.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANGELU

BOBBY ANDREWS

CELEBRITY BLUFF

DENNIS TRILLO

GLADYS GUEVARRA

NIYA

STAR MAGIC

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with