Derek Ramsay naghatid ng saya sa Guam

MANILA, Philippines - Labis na pinasaya ni Derek Ramsay ang mga loyal Kapatid subscribers sa Guam sa katatapos lamang na TV5 International event. Dinagsa ang sikat na Phoenix Center para mapanood ang show na hinanda ng TV5.

 Kahit busy si Derek sa taping ng Kidlat, naglaan ito ng oras para sa mga Kapatid nating nandoon. Pinakilig ni Derek ang mga tagahanga sa mga kantang hinanda niya at sa dating game na kasama ang ilang masuwerteng audience members.

 Bukod kay Derek, nagpunta rin ng Guam ang Game ‘N Go host na si Arnell Ignacio na nagpatawa ng husto sa audience. Napa-impromptu lesson din ang host sa pagsasayaw ng Gangnam Style. Nakisaya rin si Geneva Cruz na naghandog naman ng bonggang concert-style performance.

 Isa ang Guam sa mga todo-suporta sa international channels ng TV5 kung kaya’t todo rin ang paghahatid ng saya ng network para sa kanila.

Show comments