Madir ng magkakapatid sa showbiz nagpalibre na sa resto, sangkaterba pa mga sinama!

Naloka ang isang publication sa mother ng magkakapatid na nasa showbiz nang mag-schedule sila ng interview sa dalawang anak nito recently.

Ang interview ay para sa isang broadsheet article at ang venue ay sa isang restaurant.

Nang nasa restaurant na ang broadsheet writer and photographer, tumawag daw ang nanay ng magkapatid and asked, “Who will pay the bill?”

’Yun pa lang ay nakakaloka na pero para walang problema ay sinabi ng reporter na sila na lang ang pay tutal naman ay maliit na bagay lang ’yun.

Heto na, nang dumating ang mother at ang mga anak nito sa restaurant, isang rekwa ang kasama ng mga ito at nagsikainan lahat.

Kawawang staff ng broadsheet, medyo malaki-laki ang binayaran nila.

Noon pa ay may mga naririnig na kaming reklamo tungkol sa showbiz mother na ito. May mga kanya-kanyang experience ang mga reporter sa kalokahan niya.

Bukod sa walang ka-PR-PR ang madir, aristokrata pa at siya ang mas may attitude kesa sa mga anak.

Pero dedma na lang ang mga reporter sa kanya at pinagtatawanan na lang siya sa mga kuwentuhan.

Daniel inspirasyon sa paggising sa umaga si Kathryn kaya hindi nali-late

Ayon kay Daniel Padilla, sa araw-araw na dumadaan ay lalo silang nagkakalapit ng ka-love team at leading lady sa Princess and I na si Kathryn Bernardo.

“Sa bawat araw, sa unti-unting mga nangyayari, talagang mas nagiging tight ’yung samahan namin ni Kathryn,” sabi ng young actor sa kanyang panayam sa Showbiz Inside Report na inere last Saturday.

Pero malabo pa rin ang deklarasyon ng young actor sa tunay na estado ni Kathryn dahil hindi pa rin daw sila pero hindi na sila normal na magkaibigan ngayon.

“Kumbaga, mas nakikilala namin ang isa’t isa. Dati, normal na magkaibigan, ngayon iniisip na po namin ang isa’t isa kahit ’di pa naman kami. O kahit hindi pa naman po kami, binibigyan na namin ng importansya,” pahayag ni Daniel.

Say naman ng nanay ng young actor na si Karla Estrada, talaga raw inspirasyon ng anak niya si Kathryn ngayon.

“Maganda kasi ang relasyon nila. Inspirasyon nila ang isa’t isa. Inspirasyon niya talaga si Kathryn. Kasama’ yun sa paggising niya sa umaga na hindi siya mali-late dahil alam niya si Kathryn, nasa set na,” sabi ni Karla.

Okay lang daw sa ina ni Daniel ang namumuong pagtitingi­ngan ng dalawa.

“Para sa akin, bakit ko naman pipigilan ang isang bagay na alam ko namang nakakabuti naman sa anak ko? Pero okay na ako na ganun na muna,” she said.

Ayon kay Karla, kinikilig din siya sa love team ng dalawa at siya man ay Kathniel fan din.

“Talagang nakikita ko naman, bagay sila sa screen. They compliment each other,” sabi pa ng dating aktres.

Mukhang first love ang dumapo kina Daniel at Kathryn at sabi nga nila, ito ang pinakamahirap yet pinakamasarap na stage sa buhay ng isang tao kaya abangan na lang natin ang mangyayari sa love story ng dalawang bida sa Princess and I.

 

Show comments