Lumilinaw ang pag-asa ng Bwakaw na makasali sa five nominees ng best foreign language film category ng 2013 Oscars. Sa ngayon, kasama na ang pelikulang bida si Eddie Garcia sa Top 5 Oscar prediction site, Awards Circuit.
Ang Bwakaw na rati ay nasa 6th position, ang tanging Asian film na kasama sa possible finalists. Ang lahat na nasa list ay mga European entry — The Intouchables (France), Beyond the Hills (Romania), Amour (Austria), at A Royal Affair (Denmark).
Sa Hollywood Reporter list ay kasali sa Top 10 ang Bwakaw at sinabi sa magazine na ang Bwakaw ang pinakamalakas na banta sa mga nasa Top 5 o possible nominees. Ang tinanggap na lahok sa best foreign language film category ay nilimita na ang listahan sa 71 films from all over the world.
Ang maisama sa five finalists ay isa ng malaking karangalan. Kapag nagkataon ang Bwakaw ang unang pelikulang Pinoy na mabibigyan ng ganitong karangalan. Sa Jan. 10 pa ipapahayag ang limang best foreign film finalist kaya kung hindi pa tapos ang botohan, puwede pang magkampanya sa members ng Academy of Motion Picture Arts of America, na siyang pumipili ng Oscar winners.
Helen Mirren napipisil na namang best actress
Sinasabi ng film authorities sa States na puwedeng muling ma-nominate si Helen Mirren sa best actress derby for her role as Mina, the film director’s wife in the biopic Hitchcock.
Nagwagi na siya ng Oscar for her role as Queen Elizabeth and that same year nanalo rin siyang best TV actress for The Roman Spring of Mrs. Stone sa Emmy Awards.
Young star na grabeng manira ng katrabaho, insecure pala dahil hindi makaarte
Daig pa ang may nakakahawang sakit ang isang aktres na ayaw lapitan ng kanyang mga katrabaho sa isang teledrama. Alam na kasi ang ugali ng young star na lahat na halos ng kanyang co-stars ay siniraan, pati na sa kanilang producer at director.
“Sobra siyang magpalapad ng papel kahit may nasasagasaan na,’’ reklamo ng isang showbiz veteran. ‘‘Masyado lang siyang insecure dahil kulang pa sa karanasan at hindi pa gaanong magaling umarte.’’
Magpakailanman delikadong matigbak agad, MMK ‘di napatumba sa unang saltada
Mahirap tapatan ang timeslot ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Walang laban kahit ang nagbalik na Magpakailanman ni Mel Tiangco.
Nagpatuloy na maging institution sa viewing habits ng mga Pinoy ang show hosted by Charo Santos-Cancio. Tuluy-tuloy din itong sinubaybayan ng televiewers at higit pang tumibay ang solid support nila para sa palabas.
Pati ang award-giving bodies tinambakan na ng mga awards ang MMK. Kaya kung ayaw ng Magpakailanman na tambakan naman sila sa rating, magdesisyon agad kayo. Mahirap naman na kakabuhay pa lang sa show, titigbakin agad.
Flames of Love puwedeng pang blockbuster bago mag-MMFF
Karamihan sa mga pelikulang ipinapalabas before the Metro Manila Film Festival (MMFF) on Dec. 25 ay mga magaganda at piling-piling panoorin. Isang dapat abangan ay ang Flames of Love, isang family drama starring Christopher de Leon, Lani Mercado, Ricky Davao, Valerie Concepcion, and several young performers.
Ang Flames of Love ay written and co-directed by Baby Nebrida with Gigi Alfonso. Binubuo ng apat na mga tunay na kuwento ng buhay, tiyak na makaka-relate kayo sa kahit isa sa mga inilahad sa magandang pelikula. Sa Dec. 12 ang kanilang playdate, kaya’t meron pang chance na magkaroon ng isang Pinoy blockbuster before the MMFF.
Miss Chinatown binabalak nang gawing international
Na-revive na ang Miss Chinatown beauty pageant. Hanapin ang kanilang website at e-mail address sa mga interesadong mag-join. Maraming valuable prizes, bukod sa mga trips abroad and all over the country.
Magkakaroon pa ng chance ang Miss Chinatown Philippines na mag-represent sa ating bansa kung merong Miss Chinatown International abroad.
Balak ng mga organizer na simulan sa Pilipinas ang Miss Chinatown International, kung talagang wala pang ganitong contest sa ibang bansa.