Makakasama habambuhay madidiskubre sa MSV

MANILA, Philippines - Ang tunay na pag-ibig ay palaging nagtatagal hanggang sa pagtanda? Sa mga bagong serye ng My Special Valentine (MSV) pocketbooks, ang paghahanap sa lifetime partner ay isang kumplikadong proseso ng pagkilatis at pagpili. Mula sa mga certified romantics, bawat nobela ay nagbibigay ng kasiyahan sa pagbabasa na tanging mapangahas na tao ang makakaranas.

Sa linggong ito, sundin ang puso kahit ispin ay tuliro. Simple man o saga dang pagnanasa, huwag mag-atubili sa nadarama. Agapan ang kopya ng MSV tulad ng: Acts Of Love, Ever, Ever After, Lifetime Partners, Happy Together, A Funny Twist Of Fate, Love Me So Dearly, My Landlord’s Proposal, Dear James Dean, Traveling With Love, The Fratman And The Tigress, Heal Me With Your Love, at A Witch’s Fairy Tale.

Samantala, inaayayahan ng Bookware Publishing Corporation ang mga lalaking manunulat ng horror genre at babaing romance writers na magpadala ng manuscript para sa evaluation. Kung may katanungan, mag-log on sa www.

bookwarepublishing.com o tumawag sa 986-7179.

Show comments