Wala nang maibayad sa bills: Alessandra matindi ang pangangailangan sa pera kaya pumayag na sa lovescene
MANILA, Philippines - Pumayag nang makipag-love scene si Alessandra de Rossi sa bago niyang series na Pahiram ng Sandali. Si Christopher de Leon ang kakalantariin niya na nakasama na niya sa soap na Hanggang Kailan.
Eh, never pumapayag si Alex sa ganoong eksena. Pero rason niya ngayon, “Wala na akong pera eh! Ha! Ha! Ha! Pag marami kang bills, wa na arte-arte, ‘no? Prostitution. Ito na ‘yon!”
Hindi pa naman daw nakukunan ang love scene nila ni Boyet. Aware din naman ang staff ng programa na hindi siya komportable sa mapangahas na scenes.
“Alam na nila ‘yon. Puwede namang tapos na, ‘di ba? Kunwari sa ilalim ng kumot! I don’t know. Gawan natin ng paraan! Mag-compromise tayo,” rason ng aktres.
Pero bakit ayaw niyang magkaroon ng kissing scene?
“The main reason is because marami akong limitasyon as a person. Kumbaga, as a person, hindi naman ako nakikipag-kiss kung kani-kanino. So parang ba’t mo naman gagawin ‘yon as an actress? Ano ang pinagkaiba nun? Para sa akin, mas malala pang gawin mo ‘yon for money kesa because attracted ka sa isang tao. Sacred talaga sa akin eh,” paliwanag ni Alex.
Siya lang yata ang artistang may ganoong prinsipyo?
“Siguro, marami lang akong time mag-isip. Hindi kagaya nila na busy lagi. Marami pa rin akong time mag-isip,” eksplika niya.
Ang bahay niya ang dahilan ng pagpapakahirap sa trabaho ni Alex. Natutuwa siya dahil four years na lang ang bubunuin niya para mapasakanya na ito nang tuluyan.
“Sa awa ng Diyos, nabuno ko ang six years nang walang gini-give up na values!” sey niya.
May kilala ba siyang naggi-give up ng values dahil sa pera?
“Of course. Hindi lang sa pagpapatayo ng…Para sa career, lead role! Ha! Ha! Ha!” diin ni Alessandra.
Bukod kay Boyet, makakalaban niya sa aktingan sina Lorna Tolentino, Dingdong Dantes, Max Collins at iba pa. Magsisimula itong mapanood sa Nov. 26 kapalit ng The Coffee Prince.
Direk Chito nagmaldito kaya nagkaroon ng Shake, Rattle and Roll 14
First time ng mga writer na sina Ricky Lee, Roy Iglesias at Rody Vera na sumulat ng kuwento sa Shake, Rattle & Roll Fourteen The Invasion. Malaking factor ang director na si Chito Rono upang mapapayag silang maging bahagi ng horror franchise.
Si Ricky ang sumulat ng Ang Pamana episode nina Herbert Bautista, Arlene Muhlach at Janice de Belen. Si Roy naman sa Unwanted nina Vhong Navarro at Lovi Poe habang si Rody naman ang may gawa ng Lost Command nina Dennis Trillo, Paulo Avelino at Martin Escudero.
Sa presscon na dinaluhan ng tatlong writers at ni direk Chito, ibinunyag ng huli kung paano siya napapayag idirek ang 14th installment ng SRR na karaniwan ay gawa ng tatlong director ang bawat episode.
“Actually, meron akong standing offer kay Mother. Matagal na para sa ibang project. There was a time na sina Vhong at Marian (Rivera). Ayaw pumayag ng Star Cinema. Ang daming drama. Hindi maayos. So walang mabuo na project.
“Until finally, it was last Christmas. Nu’ng sinabi nilang last na ang Shake 13, ahh, mamaldituhin ko ‘to! Ha! Ha! Ha! Maldito ako! Hindi ‘yan last. ‘Mare, gusto ko ng Shake!’
- Latest