Lihim na lihim bilang masisira ang image ng good husband at father ng aktor Maimpluwensiyang actor tsinutsugi ang female TV host, binigyan pa ng kotse

Lihim na nagkatinginan at napangiti ang dalawang tao na dumalo kamakailan sa isang birthday party. Nagpang-abot kasi ang influential actor at ang female TV host sa naturang party. Kasama ng female TV host ang kanyang nonshowbiz dyowa. Yumakap at excited na binati ng female TV host ang influential actor.

Walang kamalay-malay ang boyfriend ng female TV host na may nakaraan ang kanyang girlfriend at ang influential actor. Ang tsismis, ang influential actor ang nagbigay ng brand new car sa female TV host. Sikretung-sikreto ang tsugihan portion ng female TV host at ng influential actor dahil respetado ito. Hindi puwedeng masira ang kanyang image na good husband and father. User-friendly naman ang image ng female TV host na nakaranas na ng maraming heartaches dahil iniiwanan siya ng kanyang mga nakarelasyon. Turn off ang mga mhin sa bilmoko attitude ng female TV host.

Aljur at Kris hindi mababakante

Final week ngayon ng Coffee Prince dahil goodbye TV sa Biyernes ang primetime show nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Hindi pa alam nina Aljur at Kris ang next project nila pero siguradong hindi sila mawawalan dahil magaganda ang mga plano sa kanila ng GMA 7.

Saka, guaranteed ang mga kontrata ng dalawa sa Kapuso Network bilang homegrown talents sila.

Bossing Vic nagtatampo sa Dabarkads

Ngayon ang balik sa Pilipinas ng Eat Bulaga Dabarkads na nagkaroon ng show para sa Fi­lipino community sa London, England noong Sabado. Narinig ko ang kuwento na nagtam­po si Vic Sotto dahil hindi siya nakasama sa London trip. Malalaman ko ang true story dahil kukulitin ko si Papa Joey de Leon kapag nagkita kami sa Startalk studio sa Sabado.
Da­lawa sa mga main host ng Eat Bulaga ang hindi naka-join sa London show, si Bossing at ang kanyang kapatid, si Sen. Tito Sotto, na hindi sumama dahil sa rami ng mga trabaho niya sa senado.

Show comments