Noong isang gabi, pinarangalan si German Moreno bilang Natatanging Alagad ng Telebisyon. Hindi iyon isang regular award, in fact, first time kaming nakarinig ng ganoong title. Anyway, siguro nakita nila ang mga nagagawa ni Kuya Germs para sa industriya ng telebisyon at nais naman siyang parangalan ng mga kaibigan niya sa press dahil sa limampung taon na siya sa showbusiness, kaya siya binigyan ng ganung award.
Pero bigyan natin nang mas matinding titig ang award na iyon: Natatanging Alagad ng Telebisyon.
Malamang na ibinigay nila ang award kasi isinabay sa ‘TV awards’ ng Star Awards kaya ganun.
Si Kuya Germs mas masasabi mong tumulong sa showbusiness sa kabuuan nito kaya nga siya tinawag na Master Showman eh.
Masasabi rin siguro na nitong mga huling panahon ng kanyang career, mas naging concentrated si Kuya Germs bilang isang star builder kesa sa kanyang pagiging TV host. At pinag-uusapan nga nila, mas maraming mga artista siyang nailabas sa kanyang That’s Entertainment noon kesa sa StarStruck ng GMA 7 at Star Circle ng ABS-CBN.
Naniniwala rin naman kami na dapat bigyan ng parangal si Kuya Germs. Tingnan na lang ninyo, nagbibigay siya ng German Moreno Youth Achievement Award na kasama ng FAMAS. Depende iyon kung may FAMAS. Ilang kabataang artista na ang kanyang naparangalan simula noon?
Ngayon, itinayo pa niya ang Walk of Fame Philippines, gastos niyang lahat iyon. Ilang stars na ang nakalagay sa Walk of Fame? Pero si Kuya Germs walang sariling star doon na something that he really deserves ha?
Katherine naghihirap kaya naalala si coco
Umiiyak pa si Katherine Luna nang mapanood namin sa telebisyon at ang sabi willing naman siyang makilala ni Coco Martin ang kanilang pitong taong gulang na anak. Medyo nagbago na yata siya dahil siguro hirap na nga sa buhay. Noon kasi ay iba ang tono ng kanyang pananalita.
Kawawa rin naman ang batang ’yan. Hindi kasi natuto sa buhay eh.
Ngayon ay lima na ang kanyang anak. Hindi maliwanag sa amin kung sinu-sino ang naging tatay ng kanyang mga anak. Pero ang maliwanag, hirap siya ngayon. Siguro nga ay kailangan din niya ang isang makakatulong talaga sa kanya.