Sa Nov. 16 (Biyernes) na ang finalé ng afternoon series na Kung Ako’y Iiwan Mo starring Shaina Magdayao and Jake Cuenca kaya naman nais magpasalamat ng buong staff and cast sa televiewers na hindi talaga bumitiw sa serye and made it a top-rating show.
Mula nang umere ang serye noong Abril, patuloy na itong mainit na sinuportahan ng afternoon televiewers, dahilan upang ma-extend ito.
At matapos ang halos pitong buwan na pagsubaybay ng buong sambayanan, nakatakda nang magtapos ang masalimuot na kuwento ng magkakaugnay na buhay nina Sarah (Shaina), Paul (Jake), Rino (Ron Morales), at Mia (Bangs Garcia).
Kung magkakaroon din ba ito ng controversial ending tulad ng Walang Hanggan, ’yan ang dapat abangan ng lahat.
THAI ACTOR NAG-EFFORT MAG-TAGALOG
The Thai superstar was sporting a new look nang dumating siya sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last Monday night para sa presscon ng movie niya with Erich Gonzalez under Star Cinema, ang Suddenly It’s Magic na incidentally ay showing na today, Oct. 31.
Medyo maigsi ang hair niya ngayon at iba na ang hitsura niya simula nang mapanood namin siya sa hit Thai movie niyang Crazy Little Thing Called Love.
Pero guwapo pa rin talaga siya kahit saang angulo mo tingnan. Tama nga ang sabi ni Erich na flawless ang young actor at mukha ngang walang pores.
Sa presscon ay pinukol ng mga katanungan si Mario at nakakatuwa ang effort niya na magsalita ng English para magkaintindihan kahit medyo hirap siya. But in fairness, okay naman ang English niya.
Isa sa mga tanong sa kanya ay kung ano ang dating sa kanya ng Filipino women.
Say pa ni Mario, naging pamilya na sa kanya ang buong staff and crew ng Star Cinema pati na rin ang lahat ng cast at pag-uwi raw niya ng Thailand ay mami-miss niya lahat lalo na ang “bro” niyang si Joross Gamboa.
Natanong din si Mario kung kumusta namang katrabaho ang mga Pilipino lalung-lalo na ang direktor na si Rory Quintos, at say niya, noong una raw ay medyo nahirapan siya dahil ito raw ang kauna-unahang direktor na kailangan niyang magsalita ng English para magkaintindihan sila.
“So, it’s very hard for me but after a while I found out that she’s very nice and she taught me a lot,” he said.
Sa ilang sandali niyang pananatili sa Pilipinas ay may natutunan nang ilang Tagalog words si Mario. Sinabi niya ang mga salitang “mahal kita”, “sabeehh?”, “mahal ko kayo,” at “salamat po”. Madalas din niyang sabihin throughout the presscon ang mga salitang “thank you po”.