Bilang ng tambay na Pinoy kumonti sa 1.66 milyon noong Nobyembre
MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang malaking pagbulusok sa antas ng unemployment at underemployment rate sa bansa noong Nobyembre 2024.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 1.66 milyong Filipino na lamang na may edad 15-anyos pataas ang walang trabaho noong Nobyembre 2024, mas mababa ito sa 1.97 milyong jobless Pinoy noong Oktubre 2024.
Anya, mas mababa rin ito sa year-on-year sa 1.83 milyong Pinoy na walang trabaho noong Nobyembre 2023.
Tumaas naman ang employed persons sa 49.54 milyon noong Nobyembre 2024 kumpara sa 48.16 milyon noong Oktubre 2024 pero mas mababa ito sa 49.64 milyon na may trabaho noong Nobyembre 2023.
Ipinaliwanag ni Mapa, ang season hype ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
- Latest