^

Bansa

Civilian mission tagumpay sa paglalagay ng symbolic marker sa EEZ ng Pinas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Civilian mission tagumpay sa paglalagay ng symbolic marker sa EEZ ng Pinas
Nasa 100 maliliit na bangka ang nagsilbing escort ng apat na barko na lulan ang mga volunteers ng Atin Ito! at mga miyembro ng media na umalis kahapon sa Matalbis Port sa Masinloc, Zambales para sa 2nd civilian resupply mission sa West Philippine Sea na maghahatid ng petrolyo, pagkain at iba pang pangangailangan ng mga mangingisda sa Bajo de Masinloc (Panatag Shoal).
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tagumpay ang ‘Atin Ito’ Coalition sa paglalagay ng mga boya na magsisilbing symbolic markers sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang tumulak ang convoy ng 100 bangka patungong Zambales.

Ibinahagi ng grupo ang mga larawan ng mga nailagay na boya na may nakasulat na

“WPS ATIN ITO!”.

Kasabay nito, gamit ang kanilang bangka, naibigay na rin ng grupo ang mga kinakailangan na supplies tulad ng pagkain, gamot at gasolina.

“The Atin Ito contingent will now proceed to the second phase of its voyage, aiming to reach the vicinity of Panatag Shoal (Scarborough Shoal) for another round of supply distribution to Filipino fisherfolk in the area,” nakasaad sa pahayag ng grupo.

Tiniyak ng Atin Ito na magtutuloy-tuloy ang kanilang mission sa kabilla ng pagpapakita ng lakas ng China sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) at Panatag Shoal.

Nabatid kay Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David na ang civilian supply mission ay kinabibilangan ng limang commercial fishing vessels at 100 maliliit na bangkang pangisda.

Umaabot din sa 200 volunteers ang lumahok gayundin mga ­organisasyon na kinabibilangan ng New Masinloc Fishermen’s Associations;Subic Commercial Fishing Association Inc.; Mabayo Agri Aqua Association in Bataan; Pambansang Katipunan ng Samahan sa Kanayunan (PKSK); Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA); Center for Agrarian Reform, Empo­werment and Transformation (CARET) at Akbayan Youth Student Council Alliance of the Philippines (SCAP).

Kaugnay nito, nagpadala naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang barko upang matiyak ang kaligtasan ng civilian mission.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with