^

PM Sports

Cavs hiniya ang Lakers

Pang-masa
Cavs hiniya ang Lakers
Dinakdakan ni Evan Mobley ng Cavaliers si Jaxson Hayes ng Lakers.

CLEVELAND — Umis­kor si Evan Mobley ng 25 points at may 24 markers si Donovan Mitchell para sa 134-110 pagtusok ng Cavaliers sa Los Angeles Lakers.

Nagtala si center Jarrett Allen ng 20 points at 17 rebounds.

Dumiretso ang Cavs  sa pagtatala ng 5-0 record at inilaglag ang Los Angeles sa 3-2 marka na tinampukan ng special homeco­ming para sa mag-amang LeBron at Bronny James.

Ito ang unang pagka­kataon na naglista ang Cavaliers ng 5-0 start sapul noong 2016-17 season na binanderahan ni LeBron at ikatlo sa franchise history.

Sa dulo ng fourth quarter ay ipinasok ng Lakers si Bronny at isinalpak ang isang 14-foot jumper sa 2:03 minuto para sa kanyang unang NBA points.

Tumapos si LeBron na may 26 points at kumolekta si Anthony Davis ng 22 markers at 13 rebounds para sa Los Angeles na ibinaon ng Cleveland sa 23-point deficit sa first half.

Sa Indianapolis, ipinasok ni Pascal Siakam ang isang three-point shot sa huling 6.1 segundo sa overtime sa 135-132 paglusot ng Indiana Pacers (2-3) sa nagdedepensang Boston Celtics (4-1).

Sa Philadelphia, tumipa si Tobias Harris ng 18 points at 14 rebounds sa 105-95 panalo ng Detroit Pistons (1-4) sa 76ers (1-3).

Sa Miami, humakot si Karl-Anthony Towns ng 44 points at 13 rebounds para sa 116-107 paggupo ng New York Knicks (2-2) sa Heat (2-2).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with