Elliot Page, gagawing bida ni Ice sa kanyang pelikula
MANILA, Philippines — Bilang isang OPM icon, may dream project pa rin si Ice Seguerra. “Ako? siguro ang dream ko, honestly, more than ako ‘yung mag-perform, dream ko ma-direct ‘yung mga idol ko,” sabi niya nang makausap namin para sa kanyang concert na Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition (Isa Pa) this Nov. 8, Music Museum.
Like sino itong mga gusto niyang idirek?
“Syempre Gary V., si Regine (Velasquez), gusto ko siya ma-direct, kuya Martin (Nievera). May mga pinag-uusapan kami ni Liza (Diño) na parang mga concept na ‘yung mga naipresenta niya, we’re really interested to do it. Gusto ko rin makapag-direct ng play,” sagot niya sa amin.
So mga kailan ito Direk?
“Hindi ko alam. Let’s see. Kasi syempre, ngayong may company na (Fire and Ice) talagang doble kayod lalo eh.
“Full blast talaga. Kami ni Liza talagang... Kaya nga itong huling trip namin, halos hindi kami nagkasama. ‘Yung dulo na lang dahil wala, kailangan namin maghiwalay muna ng landas dahil ako may concert.
“Tapos si Liza, may iba’t ibang mga pinuntahang festivals. May film market. Talaga mina-maximize namin.”
What about movies? Hindi mo type mag-direct ng ganon?
“May plan kami. So actually, meron na kaming project. May treatment na kami and everything. It’s called Trans Fatherhood. Yes, so it’s a story about... basically, it’s our story (nilang mag-asawa). It’s a story about this person who’s going through transition at the same time, finding how it is to be in a designated father role.”
So ikaw magdi-direct, ikaw rin bida? Or may kukunin kang artista?
“Sana hindi ako ‘yung artista. Because I really wanna experience directing it lang.”
Pero sinong choice mo, if ever na bibida?
“Gusto namin si Elliot Page.”
So parang ang target nito, hindi local?
“Yeah. So right now, si Liza actually, she presented. Kasi ‘yung last... she presented our project. And I think may mga interested na mga co-producer. We just have to really develop kasi may treatment na kami.”
Sinong magsusulat?
“Si Liza, she’s a very good writer. So sa story namin, even Amara (daughter ni Liza), she pitched in her side of the story. And then, si Liza and I put it together, and then I’ll direct.”
Wow! Kailan ito, mga next year?
“If we get enough, hindi pa ito next year, definitely. Kasi we need to present a short presentation, para lang makita din nung mga possible investors ‘yung magiging look, ‘yung visual treatment nung film. So we might do that first.”
Anyway, bukod sa concert sa November 8, pinagkakaabalahan din ni Ice ngayon ang kanyang bagong motor na dahil ‘di pa raw siya magaling ay sumemplang siya kamakailan at bahay-office raw muna na naka-full gear na ang layo ay puwede niyang lakarin.
Kaya nga natatawa talaga siya dahil ‘yun daw ang pramis niya sa misis.
Pero ‘yun nga, sumemplang pa siya.
“Nung birthday ko mismo, dito. ‘Yung mga barkada ko (Sept. 17). So, bini-video-han nila ako kasi syempre promise ko sa asawa ko, promise love kahit diyan lang ako sa bahay, kahit sa opisina, naka-full gear ako. So, tipong parang ang tagal ko magbihis, ‘di ba. Init na init na ako. Eh two blocks away lang naman ‘yung bahay namin. ‘Yung tipong, siguro pagtapos ko magbihis, kung naglakad ako, nakauwi na ako.
“So, finally, inaatras ko ‘yung motor, eh, syempre, ‘di ba bilang maikli ‘yung mga paa ko dahil pandak. Pag-atras kong ganun, siguro bumaba ‘yung floor ng konti. Wala akong natapakan,” natatawa niyang kuwento na nangyari pa raw mismo sa harap ng misis na hindi pa niya kaya iangkas.
Pero sabi niya, nagsisimula na siyang mag-training sa Rizal dahil kailangan din niyang magpalakas ng loob.
- Latest