^

Pang Movies

Gretchen, pinakita ang mga kayamanan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

‘Kaloka ang ibang netizens, pinagkumpara ang bahay nina Gretchen Barretto at Jinkee Pacquiao after mapanood ang pa-house tour ni Gretchen sa vlog ni Dr. Aivee Aguilar-Teo. Walang-wala raw ang bahay ni Gretchen sa bahay nila Jinkee na sinagot ng isang netizen that Gretchen is not trying to compete with Jinkee.

Nagpa-house tour lang ito sa bahay nila ni Tonyboy Cojuangco at ang highlight nga ng tour ay nang ipakita niya ang kanyang koleksyon ng mga plato na nakalagay sa isang malaking cabinet.

Napansin ng netizens na naka-tsinelas sa loob ng bahay ang mga bisita niya, bawal ang sapatos at may nakahandang slippers sa mga bumibisita at pumapasok sa bahay. ‘Katawa ang comment ng isang netizen na gagayahin niya ito na ipagbawal ang shoes o anumang suot ng galing sa labas. Dito man lang daw, magaya niya ito.

Kami naman, ang napansin ay ang dessert at fruits na nakahanda sa table. Ang daming cakes, my cupcakes pa at ibang klase ng dessert. Plus may different fruits pa, eh, tapos ang mga kakain, nagbibilang ng calories.

Anyway, sabi ng maka-Gret­chen, ang mansion nito ay galing sa old money, hindi rin bago ang bahay, pero makikita ang materials na ginamit sa pagpapatayo. Puro nga raw narra ang wood, saka homey ang loob nito, ang daming plants.

Dahil sa vlog na ‘yun ng pa-house tour ni Gretchen, lalo siyang na-miss sa Instagram dahil dinelete na yata nito ang IG account niya.

David at Barbie, may foursome

Nag-celebrate na uli ng kanilang monthsary sina Barbie Forteza at Jak Roberto at nagpalitan sila ng sweet but short messages. Naunang nag-post ng kanyang greetings si Jak at sabi, “Happy Monthsary Madam @BarbaraForteza.” Sumagot si Barbie ng “Happy monthsary mahal!!”

Nataon ang monthsary ng JakBie sa mediacon ng movie nina Barbie at David Licauco na That Kind of Love, pero wala kaming nabasang violent reaction ng ilang BarDa fans. Sa mediacon, inamin din ni David na hindi siya single at ibig sabihin, may girlfriend siya.

Kung nagkataon siguro na hindi inamin ni David na may GF siya, lagot sina Barbie at Jak sa mga selosang BarDa fans at aawayin na naman sila. Dahil sa pag-amin niya, patas na sila ni Barbie, hanggang for reel lang talaga ang love team nila.

In fairness, kahit love team lang sila, ang lakas ng kanilang chemistry sa big screen at kikiligin pa rin ang fans kapag pinanood ang TKOL na showing sa July 10, 2024. Manonood nga si Jak bilang suporta sa kanila and for sure, manonood din ang GF ni David. Ang saya siguro kung mag-foursome sila sa panonood ng pelikula sa direction ni Catherine Camarillo.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with