^

PSN Palaro

Natupad na ang pangarap ng Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Natupad na ang pangarap ng Bolts
Ang pagdiriwang ng Bolts kasama si Meralco chairman, president/CEO Manny V. Pangilinan.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Matapos ang 14 taon at apat na kabiguan sa PBA Fi­nals ay nakamit na rin sa wakas ng Meralco ang pinapangarap na kauna-unahang kampeonato.

Sa likod ni Finals Most Valuable Player Chris Newsome ay sinibak ng Bolts ang powerhouse team na San Miguel Beermen, 4-2, sa kanilang best-of-seven championship series para angkinin ang korona ng Season 48 PBA Philippine Cup noong Linggo.

Bago idispatsa ang San Miguel sa PBA Finals ay tinakasan muna ng Meralco ang mahigpit na karibal na Barangay Ginebra, 4-3, sa kanilang best-of-seven se­mifinals showdown.

Ang nasabing panalo ang nagpatibay ng loob ng Bolts sa pagsagupa sa Beermen na binanderahan nina seven-time PBA MVP at 10-time Best Player of the Conference June Mar Fajardo, CJ Perez at Terrence Romeo.

“That was the goal, to just overcome Ginebra and we were able to do that,” ani Newsome. “I think that allowed us to gain that confidence to come out and give it a good run. We peaked at the right time.”

Ang Gin Kings ang nagkait sa Bolts ng PBA title sa Governor’s Cup Finals noong 2016, 2017, 2019 at 2021.

“I’ve learned from all my failures, I’ve failed against Ginebra many times in the finals and those failures allowed me to push and elevate my game and to work on those things that I felt I needed to work on and you saw it paid off,” sabi ng No. 4 overall pick ng Meralco noong 2015 PBA Draft at hinirang na PBA Rookie of the Year noong 2016.

Ngayon ay kasama na ang pangalan ng Bolts sa lis­tahan ng mga PBA champions.

“Surreal for us. Just proud of these guys who battled through it,” wika ni head coach Luigi Trillo na nakamit ang kanyang ikalawang PBA title matapos gabayan ang Alaska Aces sa korona ng 2013 Commissioner’s Cup.

Sinandigan ng Meralco ang game-winning jumper ni Newsome sa hu­ling 1.3 segundo para itakas ang 80-78 panalo kontra sa San Miguel sa Game Six.

Naitabla ni Fajardo ang Beermen mula sa kanyang three-point shot sa natitirang 3.3 segundo kasunod ang tirada ni Newsome na sumelyo sa panalo ng Bolts.

Sa pagsisimula ng PBA Finals ay wa­lang naniwalang makakaiskor ang Meralco sa SMB na nagtala ng 10-0 record sa elimination round.

Ang Bolts ang dumiskaril sa hangad 11-0 sweep ng Beermen.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with