^

PSN Showbiz

Paolo, sinagot kung ba’t ayaw makipag-close sa mga ex

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Paolo, sinagot kung baât ayaw makipag-close sa mga ex
Paolo Contis

Sa kanyang guesting sa Your Honor, ang vodcast at YouLOL originals hosted by Tuesday Vargas at Buboy Villar, tinanong si Paolo Contis ng “Are you friends with your exes?” Ang sagot ng actor ay “Civil” at may paliwanag siya sa kanyang sagot.

“It’s a different story saying their friends and civil it’s different. And we have reasons to be ‘di ba. So ako, hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging kaibigan. Unless, you actually have reasons to be.”

Sa follow-up question ni Tuesday kung bakit hindi naniniwala puwede pa kayo maging magkaibigan.

Muli may paliwanag si Paolo. “E, naghiwalay na kayo. I think it’s your respect to your partner, especially ‘yung partner mo. I mean nakakailang  ‘yun para sa partner mo. So, ‘yung hindi kayo nag-aaway okay ‘yun. Yung civil kayo, like when you see each other, ‘Uy! Hey! How are you? Blah blah.”

“Pero friends? Like kumustahan ganyan you had your time na magkumustahan, bakit ngayon magkukumustahan kayo.”

Sabi ni Tuesday, parang mahirap i-detach ang emotion sa ex at sa current mong karelasyon.

Again, may paliwanang si Paolo sa paniniwala ­niyang ito.

“Especially kung may partner  ka nakakahiya. And I believe, ako hindi mo rin gusto ‘yun, kung ‘yung partner mo ganun.”

Alam nang lahat ang mga naging relasyon ni  Paolo na karamihan ay controversial. Gaya sa naging relasyon nila ni Lian Paz, naging relasyon nila ni LJ Reyes at ang huling relasyon nila ni Yen Santos.

KC, dinagsa ng positive vibes sa pagbati kay Sharon

Pati fans nina Sharon Cuneta at KC Concepcion, natuwa sa birthday message/greetings ni KC sa ina na nag-celebrate ng kanyang 59th birthday kahapon. Old photo noong bata pa siya ang ginamit ni KC sa kanyang reel post na lalong nagbigay ng nostalgic feeling sa mga nakabasa.

For a long time sa pagbisita sa IG ni KC, dito lang sa birthday greetings niya sa kanyang mom wala kaming nabasang nega comments.

Lahat happy at ‘yung hindi nakapag-comment dahil siguro sa tuwa ay pinusuan ang post ni KC.

Mayroon namang nag-post ng “Love always wins... no matter what” at marami ang nag-agree rito.

Aliw lang dahil sa IG ni Gabby Concepcion, marami ang nagpaalala sa kanya na birthday ni Sharon at tinanong ito kung hindi ba niya babatiin si Mega?

So far, wala pang birthday greetings si Gabby kay Sharon.

MMFF earnings, inaasahang tataas sa extension

Ikinatuwa ang announcement ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at Metropolitan Development Authority (MMDA) na extended ang MMFF hanggang January 14.

Ang mas maganda pang balita, ang complimentary passes ay patuloy na tatanggapin hanggang January 14.

Kaya lang, sa select cinemas lang extended ang MMFF run, hanapin n’yo na lang kung saang mga sinehan patuloy na nagpapalabas ng MMFF entries.

Umaasa si MMDA Chairman at MMFF overall Chairman Atty. Don Artes na mas tataas pa ang 2024 MMFF earnings.

Ang dami kasing beneficiaries sa film industry na matutulungan ng earnings ng MMFF gaya ng Mowelfund, FAP, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, the Optical Media Board, at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).

ACTOR

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with